HINDI matutuloy ang tupada este mali derby pala ni Atty. Biyong Garing sa Makati this coming May 16, 2011.
Bakit?
Pinakandado ni Mayor Binay ang sabungan sa Makati City kaya inilipat na lamang ng venue ni Biyong ang 4-cock derby sa Ynares - Kapitolyo (NCA), dyan sa Shaw Blvd., Pasig City.
Anong araw?
May 16 din (Monday). alas-sais ng gabi ang umpisa ng derby.
Tumawag o mag-text sa 0906-268-2911 o 0949-326-1951 para sa mga mag-susumite ng timbang ng kanilang mga panabong manok.
Si P. Noy at Neel!
SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa paninindigan ni P. Noy na alisin ang pagbabawal sa lokal na mga eroplano na palawakin ang kanilang biyahe sa US of A at maka-biahe hanggang sa mga paliparan sa Europe.
Kinuha pala ng government of the Republic of the Philippines my Philippines ang serbisyo ni retired Brig. Gen. Tim Neel, dating opisyal ng Federal Aviation Administration, owner at managing director ng Tim Neel & Associates, LLC, para tulungan ang gobierno.
Bagahe este mali bahagi pala ng hakbang ng reporma upang mapabuti ang imahe ng Philippines my Philippines at tulungan ang industriya ng paliparan na umasenso at makabalik sa FAA’s Category 1 rating ngayong taon o sa unang bahagi ng 2012.
Isang kompanya ang Tim Neel & Associates na mayroong mayamang karanasan sa internasyunal na kaligtasan sa paliparan, kabilang ang pagtataya sa pamantayan ng kaligtasan ng pamahalaan sa civil aviation authorities, international air carriers at paliparan.
Maraming mga bansa sa Latin America at Caribbean ang natulungan ni Neel upang umangat ang kanilang aviation oversight programs at kamakailan ay nagtrabaho sa Ghana at natulungan nito ang local aviation authorities doon na maibalik ang category 1 narating sa loob lamang ng ilang buwan.
Sa panahon ng administrasyon ni P. Noy, ibinaba ng FAA ang rating ng Philippines my Philippines sa Category 2 mula sa Category 1 last 2008 matapos ang isinagawang pagtataya noong Nobyembre 2007, nakita ang ilang polisiya ng lokal na aviation sector na mababa sa internasyunal na pamantayan.
Naging dahilan ito para hindi makapagdagdag ng biyahe ang ating mga aircraft sa US of A.
Isa sa ilang pangunahing mga isyu ang kawalan ng kuwalipikadong mga tao na titiyak ng seguridad at kaligtasan ng air transport sector sa Philippines my Philippines.
Bukod dito, pumalag din ang European Union regarding sa significant safety concerns, dahilan para pagbawalan ang paglipad ng mga eroplano ng Philippines my Philippnes maging sa mga paliparan sa Europa.
Inihayag rin ng DoTC na kinuha ng pamahalaan ang serbisyo ng 22 retiradong mga piloto para magsilbi ng full-time bilang mga inspektor ng Flight Standards Inspectorate Service.
Si ES Paquito N. Ochoa Jr.
SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginagawang mga hakbang ng pamahalaan na palakasin ang kahandaan ng Philippines my Philippines na tumugon sa ibat-ibang trahedya na maaaring tumama sa atin.
Maganda ang ginagawa ng P. Noy sa pamamagitan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. na isulong ang mga paghahanda sa mga trahedya upang agarang makatugon ang lahat ng mga opisyal at kawani ng government sa Republic of the Philippines my Philippines.
Magandang modelo ito na dapat ituloy-tuloy ng gobierno dahil importante ang kahandaan at partisipasyon ng madlang people para epektibong makatugon sa emergency situation.
Positibong bagay ito matapos tumama ang nakapalakas na 9.0 lindol sa Japan last March.
Sinimulan ni Ochoa, ang programa sa mga kawani ng Malacañang sa isinagawang Demonstration-Training on Natural Disaster Preparedness and Response System sa Mabini Hall .
Maganda rin ang layunin ng ES Jun sa pagpapa-alala tungkol sa pangangailangan na maging istrikto ang kinauukulan sa pagpapatupad ng mga pamantayan at regulasyon sa kaligtasan ng mga gusali para mapanatili ang buhay at makaiwas sa mga disgrasya.
Upang maging mas epektibo ang resulta, binigyan ang mga opisyal at mga kawani ng Palasyo ng lectures mula sa mga eksperto mula sa Philippine Coast Guard, Balangay Voyage and Mt. Everest Expedition Teams, Rajah Sulaiman Fire Rescue Team, City Watch Bright Center, Tao Emergency Operation Center, UNTV Rescue, at Search and Rescue Unit Foundation.
Dapat lamang na suportahan ng pribadong sektor ang pamahalaan sa ganitong layunin sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.