^

PSN Opinyon

Peryahan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KAYA pala bagyo si alyas Tessie at hindi magalaw-galaw ang puwesto ng kanyang mga peryahan sa Batangas dahil dati pala siyang pulis. Sa kanyang pagkapulis, siguro nakahalubilo ni Tessie hindi lang ang kababayan niyang si PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo kundi maging ang local na kapulisan at local government units (LGUs), lalo na si Gov. Vilma Santos. Kaya hindi maikumpas ng mga pulis at LGUs at Ate Vi ang kanilang mga kamay na bakal laban sa peryahan ni Tessie na front lang ng sugal na color games at drop ball. At para maipakita ang kanyang “lakas” nagbukas pa ng peryahan si Tessie sa Bauan, maliban sa ilang puwesto niya na naibulgar ko kamakailan. Ganyan kalakas si Tessie sa mga PNP at LGUs sa Batangas, di ba Cris Ibon Sir?

At hindi na pala si Sr. Supt. Alberto Supapo ang director ng Batangas PNP kundi si Sr. Supt. Rosauro Acio. Magsisilbing hamon kay Acio ang mga peryahan ni Tessie. Kasi nga halos anim na lamesang color games at drop ball ang nakalatag sa mga peryahan ni Tessie at kadalasan may mga kabataan na naglalaro rito.

Hindi lang sa Batangas naglilipana ang peryahan na front ng pasugalan kundi maging sa Cavite, di ba Gov. Junvic Remulla Sir? At hahamunin ko rin ang bagong upo na hepe ng Cavite na si Sr. Supt. John Bulalacao na sawatain ang mga pasugalan sa kanyang lugar. Kapwa PMAers sina Acio at Bulalacao.

Para sa kaalaman ni Bulalacao, ang mga peryahan sa Cavite ay matatagpuan sa Ligas sa Bacoor na ang financier ay ang isang alyas Rodel; si Manny naman ang puwesto ay sa Bagtas, Tanza, si Romeo ang sa Biga Land Mass subdivision, sa Cristine Village sa Bacoor din si Dodong; si Dennis naman ang sa Mambug sa Bacoor din; sa Salitran si alyas Nelma; sa Stoplight sa Imus si Nelma rin; sa Queen’s Row Subd., si Sonny at si Lily sa Golden City.  Ang umiikot bilang bagman ni Bulalacao sa mga peryahan ay isang alyas Rico Posadas.

Kung hindi kayang pagalawin ni Bacalzo sina Acio at Bulalacao laban sa mga peryahan, kailangan pa kayang si P-Noy ang gagalaw? Ang ibig kayang sabihin ng “matuwid na daan” ni P-Noy ay diretso na sa bulsa ni Bacalzo ang intelihensiya ng pasugalan? Nagtatanong lang.

vuukle comment

ACIO

ALBERTO SUPAPO

BACOOR

BATANGAS

BULALACAO

CAVITE

PERYAHAN

SR. SUPT

TESSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with