Batas ugali nang labagin
BAWAL tambakan o hadlangan ang daloy ng tubig-estero. Pero sa isang estero sa Ma. Martha Street, Congressional Park Subdivision, sa loob ng Doña Carmen Subdivision, Fairview, Quezon City, ay may itinatayong three-door, two-story apartment. Tag-init pa ngayon, kaya tuyo ang estero. Pero kapag tag-ulan na, tiyak babahain ang mga paligid bahay. Noong 2009 Storm Undoy sa Metro Manila, umapaw na ang estero. E ngayon pa kayang kalahati na lang ang daluyan ng tubig? Walang construction permit ang apartment building. Pero hindi ito ipinatitigil ng barangay officials. Ehemplo ito ng kahinaan ng pagpapatupad sa batas. Sa kung anong dahilan, kimi ang opisyales sa harap ng mga lumalabag.
Ang barangay officials ng Commonwealth, Quezon City, ay parang ‘yung police chief sa Makati. Humingi ng saklolo si Mayor Junjun Binay sa pulisya nu’ng nakaraang linggo, dahil nambabato ang mga nasunugang squatters sa Laperal Compound na nais niyang ilipat sa relocation site. Sabi ba naman ng pulis, wala silang magagawa. Gay’un din ang naging palusot ng pulis-Quezon City nu’ng 2010 nang harangan ng squatters ang daan-daan-libong motorista at commuters sa EDSA sa pagprotesta sa pagpaalis sa kanila sa lupa ng gobyerno. Anang pulis, hindi raw sila maaring pumanig kanino man sa alitan ng City Hall at ng urban-poor.
Kung maaalala, muntik nang magtayo ang isang Korean company ng ilegal na spa sa bunganga ng Taal Volcano. Natitulohan na ng dayuhan ang lote, miski bawal siyang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas, at nakakuha pa ng environmental compliance certificate mula kay noo’y- Natural Resources Secretary Angelo Reyes. Natigil lang ang kahibangan nang umangal ang government scientists na active ang Taal Volcano.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending