^

PSN Opinyon

'Gone in 60 seconds'

DURIAN SHAKE -

PARANG ‘Gone in 60 seconds’ na film ni Nicolas Cage noong 2000 na kung saan gumanap siya bilang isang ‘car thief of legendary proportions’ na napag-utusan ng Mafia na magnakaw ng 50 magagarang kotse sa loob ng isang araw.

At kung isipin paano nakarating sa bulubunduking bayan ng Talakag, Bukidnon ang may higit 25 na luxury cars at motorcycles na pinaniwalang ninakaw sa sa United States ay hindi ko maiwasang maisip ang pelikulang ‘Gone in 60 seconds’.

Wow! Galing! Parang Magic! Ang galing talaga na nakarating sa Talakag ang mga nasabing sasakyan kasali na ang chopper custom-made motorcycle ng isang Hollywood scriptwriter na si Skip Woods na hindi man lang nasapansin ng ating mga otoridad o maging ng mga nasa America.

Hindi naman lumipad o lumangoy o di kaya’y bumiyahe sa lupa ang mga nasabing sasakyan galing US. Talagang may misteryong nangyari paano nga nakarating sa Bukidnon ang mga nasabing mamahaling sasakyan.

Ngunit hindi lang naman pala mga sasakyan ang dinadala sa Bukidnon at Cagayan de Oro City na kung saan ang mga ito ay binabagsak sa bakuran ng isang Allan Bigcas na kilalang luxury car dealer sa Northern Mindanao. Napag-alaman na si Bigcas ay maaring sangkot din sa gun smuggling.

Ayon sa National Bureau of Investigation, na nakakuha ng resibo na nagpapakita na kabibenta lang ni Bigcas ng P1 million na halaga ng M4 assault rifles.

Ayon sa NBI report, ang mga raiders ay nakakuha rin sa bahay ni Bigcas sa Bukidnon ng isang 12-gauge shotgun (M&F Zabala HNOS SRC-EIBAR made in Spain); 130 rounds live 12-gauge ammunition; 91 rounds live M-16 ammunition; four M-16 magazines; 129 rounds of .45 caliber ammunition; and 290 rounds of 9 mm ammunition.

May nakuha ring isang M-16 magazine at isang round ng M-16 ammunition sa bahay ni Bigcas sa Cagayan de Oro City.

Hindi na ito ordinaryong kaso lang ng car smuggling. Lumalabas na isang malaking international syndicate ang nasa likod ng pangangalakal ni Bigcas. Kaya nga pumasok na hindi lang ang US Federal Bureau of Investigation ngunit maging ang US Homeland Security sa pagsusuri kung napupunta ba sa mga kamay ng mga terorista ang mga nasabing armas na dumadaan kay Bigcas.

Hawak na ng mga otoridad ang isang ‘black book’ na kung saan nagsasaad ng mga pangalan ng mga kliyente ni Bigcas.

Ayon sa ilang motorcycle enthusiasts dinala pa nga raw at ibinida ni Bigcas ang chopper custom-made big bike ni Skip Wood sa isang national convention ng motorcycle riders na ginanap dito sa Davao City noong isang linggo.

Hinihintay na lang ang resulta ng imbestigasyon ng FBI at ng Homeland Security pati na nag NBI at pulis sa nangyari bago kakasuhan ‘yong mga pinaniwalaang sangkot sa illegal na gawaing ito.

Sana totohanin ni President Aquino na ang daang matuwid lang ang tatahakin ng kanyang administrasyon. At patungo sa daang matuwid ay kailangang maparusahan ang mga tumatahak sa daang baku-bako at liku-liko na mga gumagawa ng illegal sa pamahalaang Aquino.

vuukle comment

ALLAN BIGCAS

AYON

BIGCAS

BUKIDNON

DAVAO CITY

F ZABALA

HOMELAND SECURITY

ISANG

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with