^

PSN Opinyon

Intindihin ang pagkatao, hindi lang relihiyon

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAKIKIUSAP ang Palasyo na sana ay huwag nang parangalan pa si Osama Bin Laden na nagpondo at nagplano ng pag-atake sa World Trade Center noong Sept. 11, 2001, kung saan 3,000 tao ang namatay. Ilang pamilya ang nalungkot nang mamatay ang kanilang mga mahal sa buhay. Mga inosenteng sibilyan. Dapat tingnan si Bin Laden sa kanyang pagkatao, at hindi sa kanyang relihiyon. Kung ipapasok ang relihiyon sa usapan, walang katapusang debate iyan. Isa siyang terorista. Tama naman ang Palasyo.

Mabuti nga at nilibing pa ang kanyang bangkay sa dagat. Malaking bagay na yun para sa taong katulad niya. Sigurado ako na may mga kamag-anak ng ilang biktima ng 9/11 na ginusto sanang maghirap na muna si Bin Laden bago pinatay. Hindi puwedeng ipangatwiran ang mga nararapat kay Bin Laden bilang Muslim, at hindi bigyan ng hustisya ang mga kamag-anak ng kanyang mga pinatay na hindi Muslim. Ang pagbigay ng parangal kay Bin Laden ay insulto naman sa mga kamag-anak ng kanyang mga biktima! Sa totoo lang, nawala na ang anumang karapatan ni Bin Laden pagkatapos ng 9/11. Naging kalaban na siya ng mundo.

May mga ibang masasamang tao sa kasaysayan na hindi kasing palad ni Bin Laden. Si Benito Mussolini, ang diktador ng Italy noong World War II, ay nahuli ng mga komunista habang tumatakas papuntang Switzerland dahil natalo na nga sila sa giyera. Binaril siya sa dibdib nang ilang beses bago namatay. Dinala ang kanyang bangkay, pati na ang iba pang mga kasamang tumatakas na miyembro ng kanyang partido sa isang plaza sa Italy. Doon, binaril, sinipa at dinuraan ang kanyang bangkay ng mga taong galit sa kanyang ginawa sa Italy! Pagkatapos, sinabit nang pabaliktad ang kanilang mga bangkay sa plaza para makita ng mundo na sigurado na siyang patay! Pinagbabato ng mga tao, winalanghiya ang kanyang bangkay. Nagpatuloy ito ng ilang araw dahil nadagdagan pa ng mga nahuli na kapartido ni Mussolini na sinabit din! Sa ginawa kay Mussolini, may nagreklamo ba na mga Kristiyano? Wala, dahil alam na masama siyang tao noong siya ang namuno sa Italy. Kinampihan si Adolf Hitler noong giyera. Pinatay ang sarili niyang mga mamamayan na kumontra sa kanya at marami pang krimen, na hindi nalalayo sa ilang mga nakaraang pinuno natin! Matalino lang talaga si Hitler at pinatay na lang ang kanyang sarili, at inutos na sunugin ang kanyang katawan, para hindi na bastusin ang kanyang bangkay!

Kaya sa mga kapatid na Muslim, intindihin na lang ang masamang pagkatao ni Bin Laden, kaya siya pinatay, at hindi ang kanyang pagiging Muslim lang. Maraming Muslim ang natutuwa rin at wala na siya, mga hindi rin sang-ayon sa kanyang mga ginawang krimen. Hindi nga raw ganun ang tunay na Muslim, ang tunay na naniniwala sa Islam. Pero may mga ilan na gusto pa siyang parangalan. Kung ganun, bakit hindi na rin nila isabay sina Hitler, Mussolini, Saddam Hussein, Josef Stalin at lahat nang masasamang tao sa kasaysayan? Para maliwanag na ang kanilang tunay na pakay.

vuukle comment

ADOLF HITLER

BIN

BIN LADEN

JOSEF STALIN

KANYANG

LADEN

MARAMING MUSLIM

SADDAM HUSSEIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with