Emaus
SA Aklat ng mga Gawa ay ipinahayag ni Pedro na siya ang saksi sa lahat ng bagay na ginawa ni Hesus pati na ang kanyang Muling Pagkabuhay. Ito rin ang pahayag ni David na madaming taong bago dumating si Hesus ukol sa Muling Pagkabuhay ng Mesiyas: “Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; at hindi itinulot ng mabulok sa kanyang katawan”. Aleluya!
Pinagsikapan natin tuwina na isa-buhay at sundin ang kalooban ng Diyos at patuloy na humingi ng kapatawaran. Subali’t ang lahat ng ito ay para bang nawawalang lahat sa laki ng pagsubok sa atin ng Diyos na kadalasan ay hindi natin mapagwari kung bakit ito nagaganap sa ating buhay. Tulad tayo ng dalawang alagad patungong sa Emaus. Para bang uuwi na sila sa kanilang bayan na puno ng kalungkutan. Taga-sunod sila ni Hesus, humanga at sumampalataya sa Kanyang aral, subalit nang masaksihan nila ang mga naganap kay Hesus ay para bang namatay din ang kanilang pag-asa.
Ito ang kanilang pinag-uusapan nang makisabay si Hesus sa kanila patungong Emaus na may 11-kilometrong paglalakad. Nang magtanong si Hesus ay sumagot si Cleofas na sa lahat ng taong galing sa Jerusalem ay tila ba hindi nalalaman ni Hesus ang mga pangyayari. Sabi ni Hesus: “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago Niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?”
Ipinaliwanag ni Hesus na ang pagsubok at pagtitiiis ay bahagi ng ating buhay bago makamtan ang maayos na buhay lalo ang gantimpala sa kabilang-buhay. Matapos magpaliwanag si Hesus at magpaalam sa dalawang alagad ay naibsan sila ng kalungkutan. Inaya nila si Hesus na sa kanila matulog sa gabing yaon. “Palubog na ang araw at dumidilim na”. Nakisalo si Hesus kinuha Niya ang tinapay, nagpasalamat sa Diyos, pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Dito nila nakilala si Hesus.
Kaya sa pakikinabang sa ating Banal na Pagdiriwang o Banal na Misa ay dito natin napapagsaluhan ang pagkain ng ating buhay si Hesus na ating Panginoon.
Happy Mothers’ Day!
Gawa 2:14-22-33; Salmo 15; 1Pedro 1:17-21 at Lk 24:13-35
- Latest
- Trending