^

PSN Opinyon

Paano ang karapatan ng mga biktima?

Panaginip Lang -

MAINIT na mainit pa rin ang usapan tungkol sa pagkamatay ni Osama Bin Laden, ang lider ng Al-Qaeda na pumatay sa libu-libong inosenteng sibilyan. 

Karamihan sa biktima nila ay mga walang kasalanang naghahanapbuhay sa Twin Tower sa New York na ginuho ng mga terorista sa pamamagitan ng pagbangga ng eroplano rito.

Dahil sa pangyayaring ito ay tinugis siya ng mga Amerikano at kamakailan ay napatay ng mga Navy Seals, isang elite unit ng mga commando na pumasok sa Pakistan. Napatay si Bin Laden at itinapon ang katawan sa dagat. Marami ang nagalit sa ginawang ito ng mga Amerikano. Dito sa atin, meron pang nagmartsa bilang simpatiya raw kay Bin Laden. 

Lubos na nakakabahala ito dahil malinaw naman na maraming inosenteng tao ang pinatay ni Bin Laden at maraming bata ang inulila niya. Mga taong iba-iba ang nasyonalidad, iba-iba ang lahi at higit sa lahat ay mga sibilyan na nagtatrabaho lamang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kani-kanilang pamilya.

Kasama nga pala sa mga ito ang ilang mga kababayan natin na ang tanging kasalanan ay mag-migrate sa US sa pagnanais na gumanda hindi lamang ang kanilang buhay kung hindi ang sa kanilang mga pamilya. 

Sa mga nagmamartsang ito na nakikisimpatiya kay Bin Laden, tanong ko lamang ay ano ang kasalanan ng mga biktima ng Al-Qaeda? Meron ba silang kasalanan sa napaslang na lider ng terrorist group? Paano kung kamag-anak, kapamilya o kaibigan n’yo ang nabiktima nila.

Mga kababayan, Kristiyano, Muslim o kahit anong relihiyon natin, pakiusap lamang, isipin natin lagi paano ang mga biktima hindi paano ang mga terorista.

* * *

Para sa anumang reak­syon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

AL-QAEDA

AMERIKANO

BIN LADEN

DAHIL

DITO

NAVY SEALS

NEW YORK

TWIN TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with