^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahina sa pamumuno at paglaban sa corruption

-

WALANG ipinagbago ang Pilipinas kung ang klase ng pamumuno at paglaban sa corruption ang pag-uusapan. Masyadong mahina pa rin at walang nakikitang bangis para masugpo ang mga kawatan. Batay sa 2010 Global Integrity Report, 57 ang grado ng Pilipinas at ito ay “napakahina”. Noong 2008, ang grado ng Pilipinas ay 71 at masasabing “moderate”. Ibig sabihin, taun-taon ay bumababa ang grado at maaaring sa mga susunod na taon ay bumaba pa ang grado. Ano na ang mangyayari kung ganito nang ganito na masyadong mahina ang pamumuno at paglaban sa mga tiwali.

Hulyo 2010 nagsimula ang Aquino administration kaya masasabing sakop pa ni dating President at ngayo’y Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo ang mga nangyaring kahinaan. Maisisisi pa kay Arroyo ang mga nangyaring kahinaan na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa. Kabilang sa mga kahinaan ay ang hindi pagsasampa ng kaso ng Office of the Ombudsman sa mga tiwali. Nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez kamakalawa at sabi ni President Aquino, maisasagawa na ang mga reporma sa kanyang pamahalaan.

Mahina sa paglaban sa mga tiwali ang nakaraang Arroyo administration. Naglipana sa Customs ang mga gutom na buwaya. Ultimong mga guwardiya sa Customs ay nakikinabang. Ang karaniwang empleado roon ay may mga paupahang apartment.

Talamak din namang katiwalian sa BIR, DPWH, DepEd, PNP at maski ang Armed Forces of the Philippines ay napasok na rin ng “anay” ng corruption. Lumutang ang katiwalian nang ang mga comptroller ng AFP na sina Carlos Garcia at Jacinto Ligot ay nabuking na maraming ari-arian hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Nabuking din ang mga pabaon sa mga magreretirong heneral. Pati mga asawa ng heneral ay sangkot din sa katiwalian.

Naging malaking isyu rin ang katiwalian sa ZTE-NBN deal, Mega-Pacific deal, Euro Generals at iba pa. Sa kabila na kaliwa’t kanan ang katiwaliang nangyayari, hindi kumikilos ang Ombudsman na ang tungkulin ay bantayan ang mga opisyal ng pamahalaan.

Ang mga nangyari sa Arroyo administration ay hindi na dapat maulit sa Aquino administration. Patunayan na kayang baguhin ang pamumuno at mapapalakas ang paglaban sa katiwalian. Ipangakong kayang lipulin ang mga matatakaw na buwaya.

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CARLOS GARCIA

EURO GENERALS

GLOBAL INTEGRITY REPORT

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JACINTO LIGOT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with