^

PSN Opinyon

Pigsa na naman: Anong dahilan?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

May pasyente akong buwan-buwan ay nagkakapigsa. Inis na inis siya at hindi na niya alam ang gagawin. Parang buong katawan niya ay pinipigsa.

Ang tawag sa pigsa ay Boils. Ang medikal na termino ay Furuncles. Ang pigsa ay galing sa bacteria Staphylococcus, na nabubuhay sa ating mga balat. Madalas tumubo ang pigsa sa leeg, suso, mukha, binti at puwit. Mapula at malambot ang bukol ng pigsa at sa katagalan ay may lumalabas na nana at dugo dito.

Sino ang nagkakapigsa?

Kahit sino ay puwedeng magka-pigsa, ngunit mas madalas ito sa (1) matatabang tao, (2) mahina ang katawan, iyung may matagalang sakit, (3) matatanda, at (4) may diabetes. Kung may maraming pimples o mabalahibo sa katawan, maaari rin magka-pigsa dahil ang Staphylococcus nga ay nasa balat natin.

Minsan maraming taong may pigsa sa isang bahay. Madalas ito makita kung marumi ang kapaligiran. Kapag mainit ang iyong lugar at lagi kang pawis, puwede ring magka-pigsa.

Ano ang gamot sa pigsa?

1. Pahiran o ibabad sa Povidone Iodine ang pigsa ng 3 beses sa isang araw.

2. Lagyan ng hot compress (mainit na tuwalya) ang pigsa para mahinog ito at lumabas ang nana. Huwag tirisin ang pigsa kapag hindi pa hinog. Magpepeklat lang ito.

3. Uminom ng antibiotic na Cloxacillin 500 mg capsule, 4 beses sa isang araw. Inumin ito ng 7-14 na araw hanggang umimpis ang pigsa.

4. Sa mga malalalang kaso ng pigsa (iyong sobrang dami), puwedeng magdagdag ng 1 pang antibiotic. Uminom din ng Co-Amoxiclav 625 mg tablet, 2 beses sa isang araw. Inumin ng 7-14 na araw.

Paano iiwas sa pigsa?

1. Panatilihing malinis ang katawan. Maligo araw-araw.

2. Gumamit ng mabisang sabon na panligo.

3. Linisin maigi ang inyong kama, upuan, bahay at paligid.

4. Magbaon ng alcohol at gamitin ito palagi. Punasan ng alcohol ang kamay, braso, paa at leeg.

Kailan pupunta sa doktor?

Ang mga pigsa sa harap ng mukha at sa may bandang ilong ay dapat gamutin kaagad. May tsansa kasing pumasok ang nana sa loob ng ulo natin.

Kapag nagsama-sama ang pigsa, puwedeng lagnatin at manghina ang pasyente. Hindi din ito magandang senyales. Kumunsulta agad sa doktor.

vuukle comment

ANO

ARAW

INUMIN

KAPAG

MADALAS

PIGSA

POVIDONE IODINE

UMINOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with