^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, durugin ang mga corrupt

-

Matindi ang banta ni President Noynoy Aquino sa mga corrupt, wala raw sasantuhin. Wala nang pangimi ang paglaban sa mga nagnanakaw sa kaban ng bayan. Ngayon daw na magkaroon na ng bagong Ombudsman, maisasagawa na ng pamahalaan ang mga reporma na noon pa dapat naisagawa. Pero ngayong nagbitiw na sa puwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez ay wala nang balakid sa pagsasagawa ng pagbabago at paglaban sa mga tiwali. Tuluy-tuloy na umano ang pagdurog sa mga nagsasamantala.

Nang magbitiw noong nakaraang Biyernes si Gutierrez, marami ang nakahinga nang maluwag. Magiging madali na ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal at empleado ng pamahalaan na gagawa ng katiwalian. Hindi na mauupuan ang kaso. Wala nang kikilingan. Wala nang ba­ba­­lewalaing mga kaso. Maaari na nang mabulok sa kulungan ang mga abusado, matatakaw at walang inaalala kundi ang sariling kapakanan.

Umano’y hindi inaksiyunan ni Gutierrez ang mga kaso ng katiwalian --- NBN-ZTE deal, Mega-Pacific deal, Euro General, pakikipag-deal sa Carlos Garcia case at ang pagbalewala sa pagkamatay ni Navy Ensign Philipp Pestaño. Maraming kaso na dapat ay noon pa nabigyan ng desisyon pero walang nangyari. Ganunman, mariin pa ring sinabi ni Gutierrez na malinis ang kanyang konsensiya at wala siyang nilalabag na batas.

Masisimulan na rin ang kampanya laban sa mga tiwali at magkakaroon na ng reporma. Iyan ang pangako ni P-Noy. Nararapat naman na maging maingat sa pagpili ng bagong Ombudsman. Nagkaroon na ng aral sa nakaraan kaya dapat pagbutihin ngayon. Hindi na dapat magkamali.

Ibangon ng magiging Ombudsman ang da-ngal ng tanggapan. Ipakita na siya ay tunay na bantay ng mamamayan at walang pinapanigan. Kapag nagawa ito, kikinang muli ang Tanggapan ng Ombudsman.

BIYERNES

CARLOS GARCIA

EURO GENERAL

GANUNMAN

NANG

NAVY ENSIGN PHILIPP PESTA

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with