^

PSN Opinyon

'Pare-parehong tinamaan!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

Marami ang kusang loob na nakikipagsabwatan sa mga maling gawain ng mga manloloko dahil alam ng mga taong ito na makikinabang sila.

Sa huli, kapag nagkaonsehan o sila mismo ang nagkalokohan, saka tatakbo ang dehado sa otoridad upang isumbong ang nasabing panggagantso.

Eto ang mga taong iniiwasan ng BITAG. Sa aming tanggapan, matinik naming tinitingnan kung gagamitin lamang ang aming grupo na animo’y mga kinawawang biktima.

Katulad na lamang ng isang grupo na umano’y naloko ng mga ahente raw ng mga bangko. Inalok daw sila na mag-apply ng credit card ng mga ahenteng ipinakilala ng isang kaibigan.

Modus daw ng mga ahenteng ito, mabibigyan sila ng credit card sa maikling panahon. Garantisadong papasa sila, subalit may mga kondisyones.

Una, kailangan nilang magbigay ng limang libong piso, padulas daw sa manager ng bangko na mag-aapruba sa kanilang credit card application.

Ikalawa, kailangan ng kanilang kooperasyon. Dadayain lahat ng kanilang papeles ultimo kanilang pangalan upang siguradong papasa sa pageksamin ng banko.

Sa madaling salita, pumayag ang grupong nagre-reklamo sa BITAG. Sumang-ayon at tumulong sila sa panloloko’t pandaraya na ito.

Lumitaw na ang problema ng nahati ang grupo sa da­lawa. May mga pumasa at may minalas na hindi nakalusot sa pandarayang ito. Ang dalawang grupo, pareho ng nagrereklamo laban sa mga ahente ng credit card.

Reklamo ng mga hindi nabigyan ng credit card, hindi daw refundable ang limang libong pisong padulas sa manager. Nais daw nilang makuha ito dahil hindi naman sila naaprubahan.

Sumbong naman ng mga sinuwerte sa daya­ang ito, may ikatlong kon-disyones pa pala ang mga ahente na hindi sinabi sa kanila bago pa mag-apply ng credit card.

Kapag hawak na raw ng aplikante ang kanyang bagong credit card, 10% ko-misyon pa ang kailangan niyang ibigay sa ahente depende kung magkano ang credit limit na naaprubahan sa credit card.

Sobra-sobra at labis na panloloko naman daw ang ginagawa sa kanila ng mga nakilalang ahente ng bangko.

Abangan sa susunod na linggo ang aktuwal na imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito. Mainit na nagharap ang dalawang panig sa aming tanggapan, parehong may reklamo, parehong may palusot, pareho din silang tinamaan sa BITAG!

ABANGAN

CARD

CREDIT

DADAYAIN

DAW

ETO

GARANTISADONG

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with