Pro-labor legislative agenda ni Jinggoy
KAUGNAY ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa noong Mayo uno ay inihayag ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang kanyang “pro-labor legislative agenda” na ibayo niyang ipupursige sa pagpapatuloy ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Mayo 9.
Ang mga hakbangin niya para sa mga manggagawa ay sumasaklaw sa mga sumusunod na aspeto:
• upholding and strengthening the rights of workers to decent pay and benefits;
• ensuring equal employment opportunities for all; at
• improving welfare mechanisms for the overseas Filipino workers and their families.
Kabilang sa kanyang mga panukala hinggil dito ay ang:
• Senate Bill (SB) 812 para sa P125 daily across-the-board wage increase;
• SB 760 na nagtatakda ng mataas na parusa sa mga lalabag sa prescribed wage adjustments ng manggagawa;
• SB 80 (annual productivity incentive sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor);
• SB 429 (anti-discrimination against women sa usapin ng paggawa);
• SB 556 (equal employment opportunities for indigenous cultural communities);
• SB 587 (job training program for mature workers);
• SB 930 (pagbabawal sa gender discrimination sa employment advertising);
• SB 891 (equal employment opportunities to Muslims and tribal Filipinos);
• SB 428 (pagtatatag ng Migrant Workers Hospital);
• SB 648 (pagtatatag ng OFW Bank); at
• SB 568 (special 15-day leave of absence with full pay to all legitimate spouses of OFWs).
Ang kanyang iniakdang Kasambahay Bill, na nagtatakda ng mas mataas na pasahod at mga benepisyo sa mga household worker, ay napagtibay na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa.
Ayon kay Jinggoy, kailangan ang determinadong pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa lalo na sa harap ng mga problemang pang-ekonomiya na kinakaharap nila bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at ng mga produktong pagkain.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino!
- Latest
- Trending