Divine Mercy
Sumasampalataya tayo sa Banal na Awa ni Hesus, ang Mesiyas, Anak ng Diyos na sa gayo’y magkakaroon tayo ng buhay sa pamamagitan Niya. Ito ang Linggo ng Divine Mercy na itinalaga ng Congregation for Divine Mercy Worship decreed (May 23, 2000). Ipinahayag ito ni dating Papa John Paul II na ngayon ay Blessed John Paul II bilang debosyon sa Panginoong Hesus na ipinamahagi ni Madre Faustina Kowalska na ngayon ay isa nang ganap na santa na itinalaga sa batas ng simbahan ng nasabing Papa noong nakaraang April 30, 2000.
Ayon sa Gawa ng mga Apostol ay itinuro nila sa atin ang pagsasama-sama bilang magkakapatid sa paghahati ng tinapay at pananalangin, Maging si Pedro ay nagpahayag din sa atin ng laki ng habag sa atin ni Hesus. Kaya tayo ay sinilang sa isang panibagong buhay na nagbibigay sa atin nang malaking pag-asa na ating nakakamtan na walang kapintasan, di-masisira at di-kukupas magpakailanman.
Ang ating pagkakaisa sa pananampalataya ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ang sandigan nating mga Kristiyano sa buong daigdig. Mas mapalad tayo kaysa kay Tomas na hindi maniwala sa Muling Pagkabuhay ni Hesus hangga’t hindi niya nakikita ang butas ng mga pako sa mga kamay ni Hesus at maipasok ang kanyang mga daliri. Sabi ni Hesus: “Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila Ako nakita”. Tayo ba mga kapatid ay kabilang sa mga sinasabi ni Hesus?
Bukod sa ikalawang linggo ng Muling pagkabuhay ni Hesus na tinatawag nating Divine Mercy Sunday ay atin ding ginugunita ang dalawa pang pagdiriwang nating mga Kristiyano. Ang una ay ang kapistahan ni San Jose, asawa ni Maria at ama ni Hesus na isang karpintero o Manggagawa. Iniugnay natin ito sa pandaigdigang Labor Day. Ikalawa, ito din ang simula ng pagdiriwang sa simbahan ng Mahal na Birhen Maria sa Antipolo na patrona ng mga manlalakbay, Bon Voyage.
Gawa 2:42-47; Salmo 117; 1 Pedro 1:3-9 at Jn 20:19-31
- Latest
- Trending