^

PSN Opinyon

Malasakit

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NGAYONG tag-init ay muling masasaksihan ang “mass suicide” na taon taon nang nagaganap sa mga pantalan ng Roxas Boulevard. Ang tinutukoy ko’y walang iba kung hindi ang walang pakundangang paglalangoy ng daan-daang Pilipino sa mga tubig ng Manila Bay.

Mass suicide ang tawag sa ganitong gawain dahil kapag ika’y maligo sa Manila Bay, para ka na ring naligo sa poso negro. Mismong ang Mataas na Hukuman na ang kumumpirma dito nang sinang-ayunan nila ang panawagan na linisin at buhayin ng pamahalaan ang Manila Bay.

Pasaway talaga ang ating mga kababayan. Alam naman nilang marumi ang tubig at malinaw namang nakaposte sa mga prominenteng lugar sa Roxas Boulevard ang paunawang ipinagbabawal ang maligo. Hindi pa rin sila matauhan. Paano nga naman at sa tindi ng init ay hinahanap ng katawan ang ginhawa ng paglublob sa malamig? Saan pa sila tutungo?

May sagot diyan si Mayor Alfredo S. Lim. Pinaayos ng pamahalaang lungsod ang lahat ng public swimming pools ng Maynila upang mabigyan ng alternatibo ang mga residenteng init na init. Ginawa ito nina Mayor Lim upang mailayo sa tukso ng Manila Bay at Pasig River ang mga Manilenyo at pati na rin ang mga taga karatig lungsod na nais magpalamig. Sa Sampaloc, San Andres, Quirino Avenue, Tondo at sa Pedro Gil, lahat ay welcome.

Hindi obligasyon ng anumang pamahalaang lungsod ang magbigay ng swimming pool – sa mata ng iba’y luho na itong matatawag. Sa kabila nito’y itinuloy pa rin ng Maynila dahil ang kapalit nito’y siguradong pahamak dala ng mga sakit na makukuha kung sa Manila Bay maglublob.

Noong unang panahon ay pinagbawal ng awto­ridad ng Maynila ang maligo sa mga ilog at estero dahil pinuproteksyunan ang mga water source ng taum­bayan. Nang naglaon ay naging iba na ang pakinabang ng ordinansa – tao na ang pinuproteksyunan laban sa tubig.

Ang ginawa ni Mayor Lim ay hakbang ng isang tunay na ama ng lungsod na may malasakit sa kanyang kinasasakupan.

MANILA BAY

MAYNILA

MAYOR ALFREDO S

MAYOR LIM

PASIG RIVER

PEDRO GIL

QUIRINO AVENUE

ROXAS BOULEVARD

SA SAMPALOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with