Downtrend sa OFW deployment

PATULOY ang pagbaba ng bilang ng mga manggagawang Pilipino na naeempleyo sa ibayong dagat.

Ito ang napag-usapan namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development at ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE).

Tumitindi ang problema sa mga patrabaho sa iba’t ibang bansa kabilang ang ilan sa mga pangunahing OFW destination country na dumaranas ng sarili nilang krisis tulad ng Libya, Japan at ilang bahagi ng Middle East.

 Marami sa mga kompanya sa nasabing mga bansa ay naglimita, kundi man tuluyang huminto muna, sa ka­ ni-lang operasyon hangga’t hindi pa nagbabalik sa normal ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Aminado ang Department of Labor and Employment (DoLE) na bumababa ang OFW deployment at pina-ngangambahang magtutuloy-tuloy o lalala pa ang ganitong negatibong sitwasyon sa mga susunod na buwan. 

Base sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay bumaba nang halos apat na porsiyento ang OFW deployment sa first quarter ng kasalukuyang taon. Nito umanong nagdaang Enero ay 380,188 lang ang deployment, na isang malaking pagbaba kumpara sa 395,189 noong Enero 2010. Noon namang Pebrero ay 130,000 lang umano ang na-deploy, habang 85,000 lang din nitong Marso.

Ipinaliwanag ng DoLE at POEA na walang magagawa ang Pilipinas sa nasabing “downtrend” sa OFW deployment dahil ito ay nakadepende sa internal na problema ng mga bansang karaniwang nag-eempleyo ng mga manggagawang Pinoy.

Ayon kay Jinggoy, ang mga OFW ay maraming taon nang nagtaguyod at sumagip sa ating ekonomiya, kaya’t  ngayong nagka­kaproblema ang ka­ni­lang sektor ay kaila-ngang ala­layan at salu-hin sila ng pamahalaan.

Dapat na rin aniyang isabuhay ang polisiyang pagtitiyak ng sapat at de-kalidad na local employment upang hindi na napipilitan ang ating mga kababayan na magha-nap ng trabaho sa iba-yong dagat.

 Dagdag niya, kaila-ngan nang palakasin ang industriya at patrabaho sa loob mismo ng ating bansa para sa mainstream employment, informal sector workers at maliliit na entrepreneur.

Show comments