'Dispalinghado ang produkto!'
(Huling Bahagi)
SA panahon ngayon ay marami kang pagpipiliang mall na pupuntahan, pamimilihan o tatambayan.
Makikita sa mga magagara at reputableng mall na walang sumasalubong na asungot sa mga shoppers. Malayang nakakapamili ang mga kostumer sa mga puwestong kanilang pinapasukan.
Subalit sa mga malls na napag-iiwanan ng panahon, mala-tiangge at palengke ang itsura sa pasilyo pa lamang.
Halos walang pakialam ang pamunuan ng mga mall na ito sa nagkalat at palakad-lakad na mga mapanlinlang na ahente na nagbebenta ng kani-kanilang produkto.
Kahit pa ang mga ito ay nanghaharang, nanghahatak at nangangaladkad ng mga shoppers papasok ng kanilang mga puwesto o tindahan.
Ganito ang ginagawang panlililo o pambibitag ng mga hustler na marketing agents ng Arysta Marketing sa loob ng Harrison Plaza sa Maynila.
Kung pagbabasehan ang pamantayang ibinahagi sa BITAG ng marketing manager ng isang lehitimong appliance center, taliwas ito sa ginagawa ng Arysta Marketing.
Una, ipinagbabawal ang paglabas ng mga ahente o sales representative ng kanilang tindahan para kumuha ng kostumer na naglilibot sa mall.
Ang tamang pamantayan, hinihintay ang mga kostu-mer na kusang pumasok sa tindahan at doon aasistehan ng mga salesrep kapag may katanungan ang mga ito sa nakursunadahang appliance.
Ikalawa, bawat appliance, may nakatalagang sales agent na siyang mag-aasikaso sa bibiling kostumer. Bawal ‘yung labu-labo.
Ikatlo, ang uniporme ng mga salesrep ay dapat di-sente at presentable. Hindi puwede ‘yung mini skirt na animo’y pang- KTV bar.
At panghuli, kung promo ang pag-uusapan may mga legal na prosesong dadaa- nan ito bago ito isapubliko.
Bagamat sa kasong ito ay nagkasundo ang mag-kabilang panig na ibabalik ng biktima ang mga nabiling appliance ng Arysta at ire-refund naman ng kumpanya ang pera ng biktima, patuloy kaming nagbibigay ng babala.
Huwag pansinin ang mga nanghaharang sa mall at nagsasabing nanalo ka sa isang promo. Sa simpleng pansin na ipupukol mo sa mga ito, madali nang mahulog sa kanilang patibong.
Sa pamunuan ng mga mall, patuloy na mapag-iiwa nan ng panahon at pamumugaran ng mga manloloko ang inyong establisyamento kung hindi kayo kikibo at kikilos.
- Latest
- Trending