The National Press Club condoles with the family of the late Joe Pavia, who succumbed to a lingering illness Monday morning.
With his passing, press freedom has lost a pillar. The NPC mourns the death of one of its most respected members, an icon revered for his immense contribution to the cause of freedom.
Joe, was a lifetime member of the NPC. He was co-founder of the Confederation of Asean Journalists and an able chairman of the Club’s membership committee. He also used to manage the affairs of the NPC so diligently.
Mere words cannot be used to describe how grateful the NPC and its members are to Joe. In the same manner, we cannot find the right words and phrases to describe our loss.
To his family and friends, our deepest sympathies. To Mr. Joe Pavia, our heartfelt thanks. Your name will continue to reverberate in and around the four corners of the NPC.
You shall always be remembered, Joe.
Farewell.
* * * * *
Pagbabago sa PNP-FED
MALAKI ang pinagbago sa pagtrato ng madlang ‘pro-gun’ na kumukuha ngayon ng Permit to Carry firearmes Outside Residence dahil sipag at tiyaga ang ipinakikita ngayon ng mga tauhan ni Supt. John Luglug na bukas makalawa ay baka maging Sr. Supt. ito.
Nawalis ang mga fixer sa office ni John hindi tulad noon mga nakaraan na sangkatutak ito.
Bakit?
Personal ang supervision ni John sa kanya mga tauhan sa PNP-FED hinihimay nito ang bawat application form para sa PTCFOR sa tulong ng kanyang masipag at ‘trusted’ civilian assistant si Jun Victoria ito.
Ang taas din ng pagtingin at bilib natin kay Chief Inspector Marlon Kamatoy ng Firearms and Explosives Division Operations branch dahil sa puspusang pagpupursige ng kanila opisina na isaayos ang sistema ng paglilinsensya ng mga baril sa Philippines my Philippines.
Hindi itinataas ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bangko ng mga taga-FED pero kung ang lahat ng PNP personnel sa Philippines my Philippines ay kasing-sipag at kasing-taas ng dedikasyon nina John, Marlon at NUP Victoria, tiyak na mabilis na gaganda ang image ng ating kapulisan sa madlang pinoy.
Sabi nga, Keep up the good work!
* * * * *
4th cock derby hindi tuloy!
ANG pasabong ni Atty. Biong Garing sa Makati sa Mayo 12 ay hindi matutuloy iniurong lamang ito ng petsa at gaganapin sa Mayo 16, 2011.
Huwag mawawalan ng pag-asa ang mga sabungero dahil tuloy ang pasabong ni Ka Biong at may guaranteed P300,000 pataas ang price money.
Abangan.
* * * * *
Mangilin tayo!
INAANYAYAHAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang people na mangilin muna at magsisi ng mga kasalanan kung mayroon man dahil Kuaresma ngayon.
Hindi muna natin kakanain ang mga kamote dahil iginagalang ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang banal na araw ng pagdarasal.
Sabi nga, ceasefire muna! Hehehe.