^

PSN Opinyon

ARMM polls green and go?

- Al G. Pedroche -

TILA mahihirapang makapasa sa Senado ang panukala ng Malacañang na ipagpaliban para sa 2013 ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Alinsunod sa batas, ang halalan doon ay nakatakda sa Agosto 8. Sa pagdinig ng Senate Committee on Local Governments sa pamumuno ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, tila daraan sa butas ng karayom ang Senate Bill 2756.

 Aniya, wala nang oras para maipasa ang bill dahil magiging abala ang Senado sa impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez. At kahit brasuhin ng Malakanyang ang Kamara de Representante, sinabi ni Bongbong na hindi papayag ang kanyang komite dahil may dalawang napakabigat na isyu na dapat pagdebatehan at resolbahin.

Una aniya, malinaw sa ARMM Organic Act na ang anumang pagbabago sa eleksyon ay dapat idaan sa referendum. Hindi pwedeng sa pamamagitan lang ng pagpapasa ng isang batas. Ikalawa, kung maresolba man ang isyu ng postponement, nandiyan naman ang kuwestyon sa pagpupumilit ng Malakanyang na pagtatalaga ng officers in charge sa ARMM. Katawa-tawa nga naman ang Senado kung isabatas ang bill tapos ibabasura ng Korte Suprema dahil unconstitutional.

Iisa rin ang posisyon ng Commission on Election at National Movement on Free Elections (Namfrel): Walang dahilan para i-postpone ang election. Pinaghahandaan na ng poll body ang eleksyon. Nagkaroon na ng registration ng new voters at nililinis na ang talaan ng mga botante. Sabi ni COMELEC Chair Sixto Brillantes, magiging pabaya ang COMELEC kung hindi ito gagalaw. Ayan, mismong appointee na ni President Noy ang nagsalita.

Anang COMELEC, tama ang Namfrel at si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. na kailangan ng espesyal na atensyon ang ARMM election kaya hindi ito dapat isabay sa 2013 national and local elections.

Isa pa, marami nang politiko ang excited sa pagdaraos ng eleksyon. Hindi sila papayag na madiska-rel ang kanilang pagha-handa hindi ba? 

Well, tingnan natin at baka matuloy din ang halalan sa Agosto.

AGOSTO

AUTONOMOUS REGION

BONGBONG

CHAIR SIXTO BRILLANTES

FREE ELECTIONS

KORTE SUPREMA

LOCAL GOVERNMENTS

MALAKANYANG

MUSLIM MINDANAO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with