Hybrid rice
NOONG Biyernes ay naanyayahan ako ni Ginoong Henry Lim Bun Liong para dumalo sa isang harvest festival sa Allado, Nueva Ecija kung saan ang panauhing pandangal ay ang magkapatid na Ballsy Aquino Cruz at Pinky Aquino Abellada, dalawang ate ni President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sumabay ako kay Ka Lito Banayo, ang kasalukuyang administrador ng National Food Authority. Personal kong nakita at narinig ang nagawa nitong hybrid rice of SL 8H na gawa ng SL Agritech, isang local na kompanya.
Ang China kung saan meron silang populasyon na mahigit isang bilyon ay gumagamit na nitong hybrid rice. Ang Vietnam na isa sa pinakamalaking producer ng bigas sa buong mundo at kung saan isa sa pangunahing source ng ating bigas ay nag-uumpisa na ring gumamit ng hybrid rice.
Ang Indonesia, Malaysia at Bangladesh namimili na rin ng binhi mula sa ating upang itanim sa kanila.
Ayon sa mga magsasakang nakausap ko ay hindi lamang nadodoble ang produksiyon ng kanilang mga ani kung hindi mahigit triple pa sa ilang pagkakataon. Problema lamang kaya ayaw pa ng iba ay madisiplina ang sistema rito, hindi basta basta saboy lang nang saboy ng binhi, dapat alagaan nang husto at sundin ang mga sistema pero okay lang sa mga magsasaka kasi maganda naman ang kapalit.
Kay Ginoong Ricardo Buenaventura ay 266.23. Pinakamalaking naani ay sina Fernando Gabuyo, 335; Severino Payumo, 345.60 at Severino Velasquez, 280.47. Lahat sila taga Nueva Ecija.
Sa Tarlac, Ilocos Norte, Pangasinan, Mindoro at Mindanao may mga magsasaka na ring gumamit at base sa karanasan nila, mahigit doble ang ani kumpara sa 70 sako kada ektarya sa lumang sistema.
Ito ang kasagutan para umunlad ang magsasaka at maging self sufficiency. Tanong lang: Bakit ayaw ng ilang opisyal ng Department of Agriculture?
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]
- Latest
- Trending