'Turok'

HINDI akalain ng amang lumapit sa BITAG na sa mismong harapan niya malalagutan ng hininga habang naghihirap ang kanyang asawa.

Ito’y matapos iturok ng nurse ang isang antibiotic sa kanyang diabetikong asawa habang naka-confine sa East Avenue Medical Center. 

Sa sumbong ni Mang Alberto, sinisisi niya ang nurse at doktor na humawak sa kanyang asawa habang nasa ospital ito. Kung naagapan lamang daw agad ng karampatang lunas ang kanyang asawa, posibleng naisalba pa ang buhay nito.

Inilapit ng BITAG ang kasong ito sa Department of Health at mismong si Sec. Ona ang nagpatawag ng paghahaharap sa pagitan ng nagrereklamong si Mang Alberto, mga doktor ng East Avenue Medical Center at BITAG.

Ayon sa mga doktor ng East Avenue Medical Center, atake sa puso ang ikinamatay ng pasyente. Subalit sa death certificate nito mula autopsy report, ANAPHY­LACTIC SHOCK ang dahilan.

Ayon sa isang allergologist, ang anaphylactic shock ay ang pinakamatinding estado ng isang taong inatake ng allergy. Pamamanhid, pamamantal, pamumula at pamamaga ng ilang parte ng katawan at pagsikip ng hininga ang ilan sa mga palatandaan nito.

Tanging ENIPHERINE lamang ang panlaban sa Anaphy­lactic shock at kinakailangang maiturok ito sa pasyente sa lalong madaling panahon. 

Maaari raw na sa loob ng limang minuto, ikamatay ng pasyente ang pag-atake ng anaphylactic shock kapag hindi agad naibigay ang ENIPHERINE.

Sa imbestigasyon ng BITAG, batay sa sumbong ni Mang Alberto, sa ikalawang klase ng antibiotic nagkaroon ng allergy ang kanyang misis.

Iba ang antibiotic na itinurok sa pasyente noong ikatlong araw na nito sa ospital sa antibiotic na itinurok noong mga naunang araw...

(Abangan ang hu­ling bahagi).

Show comments