^

PSN Opinyon

Huwag naman puro batikos kay P-Noy

- Al G. Pedroche -

SABI ni Executive Secretary Jojo Ochoa “The country’s crisis can’t be solved overnight.”

Totoo. Hindi madali ang ginagawa ni Presidente Noynoy sa harap ng mga dambuhalang krisis sa bansa. Tiyak, laging may pupuna at tutuligsa. Nagpapahirap lalu ang kawing-kawing na pagtaas sa presyo ng krudo sa world market. Walang kontrol diyan ang pamahalaan.

Kung minsa’y bumabatikos din ako sa administrasyon. Ngunit mahirap tumuligsa kung wala ka namang maiaalok na solusyon. Kaya may mga puna man tayo, bigyan muna natin si Noy ng benefit of the doubt. We have no choice but to trust the one who leads. Siguradong tutuligsain ng ibang kritiko ang pamahalaan sa resulta ng latest Social Weather Stations (SWS) 1st quarter survey mula Marso 4 hanggang 7 na nagsasabing 20.5% ng respondents ang nagutom isang beses sa loob ng nakalipas na tatlong buwan at 51% ang nagsasabing sila’y mahirap.

Isinusulong ng gobyerno ang kontrobersyal na P21-bilyong Conditional Cash transfer (CCT) na mayroong 1.4 milyong benepisyunaryo sa buong bansa. Tinutuligsa ito ng ilan pero ito’y isa lang pansamantalang remedyo habang binubuo pa ang mga pangmatagalang solusyon sa problema.

Tiyak ­— iba ang resulta ng SWS kung nagmula ang mayorya ng respondents sa Visayas at Mindanao na kina­roroonan ng pinakamaraming benepisyaryo sa CCT. Pero karamihan sa mga na-survey ay yung mga taga-Luzon. Kasama diyan ang National Capital Region (NCR) na may 60,000 hanggang 65,000 lamang na mga benepisyunaryo ng CCT sapul noong Marso 2011. Sinadyang unahin ng pamahalaan ang pinakamahihirap na lugar sa Visayas at Mindanao at sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Caraga, Samar at Leyte.

Kamakailan, nilagdaan ng Pangulo ang utos sa pagkakaloob ng P500-milyong ayuda ang jeepney at tricycle drivers na apektado ng mataas na presyo ng petrolyo. Susunod na target ang magsasaka at mangingisda.

Sa pakiusap ng Pa­ngulo, sumaklolo ang

Atlantic Gulf & Pacific Co. (AG&P) para bigyan ng trabaho ang mga OFWs na bumalik sa Pilipinas dahil sa kaguluhan sa mga bansang kanilang pi­nag­lilingkuran. Ma­laking bagay iyan.

Bumuo rin ang Pa­lasyo ng high-level team para maagap na matugunan ang problema ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng mga sigalot sa ibang bansa.

Pinirmahan ng Pa­ngulong ang Executive Order (EO) No. 34 para tulungan ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtugon sa OFWs na nakakaranas ng mga suliranin dahil sa mga krisis sa ibang bansa. 

vuukle comment

ATLANTIC GULF

AUTONOMOUS REGION

CONDITIONAL CASH

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE SECRETARY JOJO OCHOA

MARSO

MINDANAO

MUSLIM MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with