^

PSN Opinyon

Panawagan sa bakeshop

PILANTIK - Dadong Matinik -

Ngayon lang nangyaring ang pitak na ito

Ang hindi maganda ay sabihin dito;

May isang kilalang bakeshop sa San Pedro

Sa senior citizens ayaw magdiskwento!

Sa bakeshop na ito – paninda’y masarap

Ang cake at tinapay daming naghahangad;

Marami nang suki at ang ngala’y tanyag

Ngunit walang awa sa mga mahirap!

Madalas na kami dito’y sumasaglit

Kung birthday ni Lola’t apong makukulit;

Pero pag bibilhin ay malaking cake

Wala raw diskwento kay Lolong mabait!

Senior Card ni Lolo laging dala-dala

Sa tuwing bibili sa mga tindera;

Pero ang may discount bitbitin lang pala –

Cake na sinadya di namin makuha!

Ngalan nitong bakeshop sa bansa ay sikat

Dine sa San Pedro ay may dalwang branch;

Dapat ang management ay kumilos agad

Upang mag-diskwento sa cake na pangarap!

Kaya po ang bakeshop ay tinatawagan

Na ang mamimili ay inyong tulungan;

Lalo na ang seniors maikli ang buhay

Sa munting diskwento’y maliligayahan!

Senior card ng senior ipinakikita

Subali’t ang discount hindi rin makuha;

Kahi’t ang binili marami-rami na

Ang discount ng seniors ikinakait pa!

Ito ba ay sanction ng ating gobyerno

Na ang seniors ID balewala rito?

Hindi ba’t sa batas sinasabi nito

Sa mga bibilhin dapat may diskwento?

Sa mga mayama’t mga kakilala

Hindi lang diskwento baka libre pa nga;

Nguni’t pa’no kami na mga seniors na –

Sa konting diskwento namamalimos pa.

vuukle comment

DAPAT

DISKWENTO

KAHI

KAYA

LOLA

PERO

SAN PEDRO

SENIOR CARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with