Saludo kay P-Noy at sa AG&P!
GRABE ang nangyari sa ating mga OFWs sa mga nagkakagulong bansa. Napilitang magbalikbayan nang wala sa oras at trabaho ang problema ngayon. Kaso, yung iba na nangangambang wala silang makukuhang trabaho sa Pinas ay nanatili pa rin sa magulong bansa gaya ng Libya.
Pero heto magandang balita: Tumugon ang Atlantic Gulf and Pacific Co. (AG&P) sa apela ni Presidente Noynoy Aquino na bigyan ng trabaho ang mga kababayan nating na-dislocate. Kaya ang AG&P ay nagsimula nang mag-recruit ng serbisyo ng engineers, welders, at mechanics matapos manawagan ang Pangulo.
Ginamit ng Pangulo ang kanyang persuasive power para mahimok ang isang dambuhalang kompanya gaya ng AG&P na kunin ang mga masisipag na professionals at OFWs nang bumisita siya sa dockyard ng kompanya sa Bauan, Batangas kamakailan.
Sana yung ibang malalaking kompanya tularan ang magandang gesture ng AG&P na lubhang kailangan sa panahong ito ng kagipitan. Sa ganitong paraan ay makikita natin ang diwa ng bayanihan o pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sector upang makatugon sa krisis gaya nang kinakaharap natin.
Nakita natin ang tunay na concern ng pamahalaan na matugunan ang interes at kagalingan ng OFW’s at isang matinding patunay ito na pinapangalagaan ng administrasyon ang mga Filipino. Bakit nga hinde? Sa mga OFW nagmumula ang pinakamalaking revenue ng pamahalaan na siyang dugo ng ating ekonomiya.
Nakuha ngayon ng AG&P ang kontrata sa Bechtel (BEK tl) para sa konstruksiyon ng liquefied natural gas facility sa Australia kung saan magta-trabaho ang OFWs.
Isang kompanyang Amerikano ang Bechtel na may kinalaman ang operasyon sa engineering, konstruksiyon at mayroong dose-dosenang mga proyekto sa iba’t ibang lokasyon sa mundo, mula Alas ka hanggang Australia.
Nagkakahalaga ng $10 bilyon ang proyekto kung saan nakakuha na ang Bechtel ng inisyal na $130 milyon at inaasahang aabot sa pinakamataas na 4,000 ang mga manggagawa nito.
- Latest
- Trending