^

PSN Opinyon

Hindi pababayaan ng Diyos si Mayor Lani

- Al G. Pedroche -

NANGANGAMBA ang kampo ni Taguig Mayor Lani Ca-yetano sa recount ng mga balota kaugnay ng nagdaang eleksyon sa lungsod. Hirit ito ng natalong mayoralty candidate na si ex-justice Dante Tinga sa Comelec.

Naniniwala ako na providence ng Panginoong Dios ang pagwawagi ni Mayor Lani. Isipin na lang na beteranong politiko ang mga Tinga. Makapangyarihan, may salapi at kaalyado ni ex-president GMA nang tumakbo. Si Lani ay kabiyak ni Senador Alan Peter Cayetano na hinahangaan ko dahil maka-Diyos. If you trust in the Lord and you have the purest of intention, you will not be forsaken.

Noong 2010 elections, nanalo si Cayetano sa botong 95,865 laban kay Dante Tiñga na nakakuha ng 93,445 boto.

Mahirap paniwalaan na si Mrs. Cayetano pa ang nandaya samantalang ang mag-amang Dante Tinga at ex-Taguig Mayor Freddie Tinga ang nasa kapangyarihan.

Bukod sa pagiging kaalyado ni dating Presidente Arroyo si Tinga ang may hawak ng pondo at makinarya na kailangan para magwagi. Kakampi rin ng mag-ama ang treasurer, si Mrs. Teresita Elias na asawa ng vice-mayor nilang si? George Elias. 

Si Mrs. Elias ang nag utos na ilipat ang mga 273 ballot boxes sa City Hall Auditorium.

At heto ang pinangangambahan ng kampo ng Caye­tano kung magkakaroon ng muling bilangan. Si Comelec chairman Sixto Brillantes ang abogado raw ni ex-justice Dante Tinga bago ito naging Comelec chairman. Ang mga taga-Comelecsecond division na nakatutok sa kaso ni Dante Tinga laban kay Mayor Lani ay pawang malalapit umano sa dating mahistrado.

Si Comelec second division presiding officer Lucenito Tagle ay dating law partner ni ex-justice Tinga.  Si Elias Yusoph ay malaki ang utang na loob sa isang malaking pulitiko na tumulong upang mapakawalan ang kanyang nakidnap na anak.  Ang politikong tumulong kay Yusoph ay malapit sa mga Tinga. 

Ilang rason lang iyan kaya nababahala ang mga Caye­tano. Pero as I said, maka-diyos ang mga Cayetano at kung by God’s providence ay nagwagi si Lani nung isang taon laban sa isang “maton” sa politika, naniniwala akong hindi siya pababayaan ng Diyos.

CAYETANO

CITY HALL AUDITORIUM

COMELEC

DANTE TI

DANTE TINGA

DIYOS

MAYOR LANI

SI COMELEC

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with