^

PSN Opinyon

Kailan matatapos ang labanan?

PILANTIK - Dadong Matinik -

Saan ba hahantong labanan sa Libya

bakit nagkagulo ay kay yamang bansa?

May mina ng langis ang tao’y sagana

kaya nga ang gulo’y nakapagtataka?

Pangulong Kadhafi tagal na sa pwesto

sobra na sa edad dapat magretiro;

Kanyang paghahari mahaba na ito –

kaya kababayan ngayo’y nag-alburo!

Kung matagal ka na sa panunungkulan

kahi’t na magaling ay may katapusan;

At ito ang aral na di natutuhan

nitong si Kadhafi sa pwesto’y sige lang!

Dati lang sa Libya umiral ang saya

dahil dati naman may pagkakaisa;

Subali’t nadamang sila ay api na

kung kaya lumaban at biglang nag-alsa!

Kaya ito’y aral sa maramng lider

ang pwesto sa bansa’y huwag sosolohin;

Kung matagal ka na sa iyong tungkulin

ang pamamahala’y dapat ihabilin!

Sana ay igalang nitong si Kadhafi

ang hangad ng UN Libya’y mapabuti;

Pagdanak ng dugo – rebelde’t kakampi

sa bansang tahimik hindi manyayari!

Bansang kaalyado ng US at UK –

kumikilos ngayon Libya’y palayain;

Fortress ni Kadhafi target na bombahin

upang bumaba na’t siya’y payapain1

Kung ayaw sumuko’y kasalanan niya

kanyang kababayan baka maubos pa;

Sa tagal sa pwesto siya’y bayani na

sa dakilang tao iyan ay maganda!

Katulad ng buhay na tanging pahiram

ito’y kinukuha ng Poong Lumalang;

Pagsapit sa takda ng ‘yong kapalaran

maglalaho ka rin sa sandaigdigan!

BANSANG

DATI

KADHAFI

KANYANG

KATULAD

KAYA

PAGDANAK

PANGULONG KADHAFI

POONG LUMALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with