^

PSN Opinyon

Mga aksyon para lipulin ang talamak na droga

Panaginip Lang -

DAHIL sa tatlong binitay sa China na mainit pa hanggang sa araw na ito at dahil sa ugali nating madaling makalimot pag may bago ng isyu, hindi natin dapat palampasin ang pagkakataong ito kaya minumungkahi ko ang mga sumusunod na hakbang para lipulin ang talamak na iligal na droga na suliranin hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

Una, ibalik natin ang parusang kamatayan sa mga gumagawa at nagtutulak ng iligal  na droga. Paraan ng parusa sa kanila ay isang kainan ipaubos sa kanila ang nahuling iligal na droga sa kanila. Sa ganoong paraan hindi natin problema kung paano idi-dispose ang mga droga.

Pangalawa, maglagay tayo ng mga bagong makinang hindi lamang mga bomba ang nakikita sa lahat ng ating paliparan. Maaring magastos ito sa umpisa pero ang kapalit naman nito ay mapipigilan ang lahat ng uri ng iligal na droga palabas o papasok ng bansa. Lahat nang liham o packages na galing o papuntang ibang bansa dapat idaan sa mga makinang ito.

Pangatlo, lahat tayo, as in lahat, huwag tatanggap ng pakidala kahit galing sa mga kamag-anak at kababayan papasok man o palabas ng bansa. Sorry, walang samaan ng loob pero kailangan ito.

Pang-apat, kapag nahuli ang mga nag-recruit sa mga taong ito at hindi pa naipapatupad ang pagbabalik ng parusang bitay, ideport natin sila sa China, Malaysia, Singapore o sa bansang may parusang kamatayan.

Panglima, mas matinding cooperation sa mga mambabatas ng ibang bansa, kasama na ng US Drug Enforcement Agency, INTERPOL, China at mga bansang seryoso rin sa pagsugpo ng iligal na droga.

Suhestiyon galing sa inyo ano pa ang maari, kailangang pagtulungan upang mapigilan ang iligal na droga. Text or e-mail po kayo.

* * *

Para sa anumang re­aksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o email sa [email protected]

DROGA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ILIGAL

LAHAT

PANGALAWA

PANGATLO

PARAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with