^

PSN Opinyon

Holdaper, utas!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGWAKAS sa malagim na kamatayan ang sinapit ng dalawa sa tatlong kilabot na holdaper na miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ni Supt. James Afalla sa kahabaan ng Yuseco St., Sta Cruz, Manila. Mistulang nagpiyesta ang mga tao sa naturang lugar, dahil ayon sa aking mga nakausap, matagal na nilang problema ang pananalakay ng mga holdaper tuwing sasapit ang dilim. Matinding grupo umano itong pinatimbuwang ng mga pulis ni Afalla dahil bukod sa madulas ito sa kamay ng kapulisan ay may gamit pang tricycle sa pagsagawa ng panghoholdap sa naturang lugar. At hindi basta-basta holdaper ang mga ito dahil pawang mga armado ng baril. Walang pinatatawad ang mga ito sa tuwing makakuha ng tiyempo, kung kaya limas lahat ang mga kagamitan ng kanilang nabibiktima.

Subalit dumating na ang oras ng kanilang katapusan ng magreklamo ang nurse na si Aileen Alvarez sa tanggapan ni Afalla ng Manila Police District-Police Satation 3 matapos holdapin ng mga ito sa may kanto ng Herrera at S. Reyes Sts. noong gabi ng Miyerkules. Agad na pinakilos ni Afalla ang kanyang mga tauhan sa Follow-up Unit kasama ang Blumintritt Police Community Precincts sa ilalim ng pamumuno ni Insp. Ed Morata. Ginalugad ang lahat ng sulok sa naturang lugar at ng sumapit nga ang mga tropa sa may kanto ng Herrera ay may namataan silang tricycle na may tatlong kalalakihan kaya agad nilang nilapitan. Subalit ng papalapit na ang mga pulis ay agad na nagpulasan ang dalawa patungo sa Yuseco St., at ang tricycle naman ay sumibad sa di matukoy na direksyon. Agad na hinabol ng mga kapulisan ni Afalla ang dalawang lalaki subalit agad silang pinaputukan kung kayat napilitan ang mga ito na putukan ang mga hinahabol. Sapol ang dalawa sa dibdib at ulo.

Narekober sa 2 napatay na holdaper ang 2 paltik na caliber 38 at nabawi rin ang kagamitan ni Alvarez na kinabibilangan ng Sony MP5, USB at isang bote ng pabango. Nakilala naman ang dalawang holdaper na sina Ray Ryan Muerong at isang alyas “Benjie” at kasalukuyang hinahanap pa ang kapatid ni Muerong at ang tricycle na ginamit. Nagbunga rin ang matagal ng tagubilin ni MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla sa kanyang tauhan na magmanman sa lahat ng sulok ng Maynila upang mahadlangan ang pananalakay ng mga holdaper. Kaya kalat na kalat na naman ngayon sa kaharian ni Manila mayor Alfredo Lim na “wala ng puwang ang mga kriminal” matapos ang insidente. Kung sabagay tama itong aking kausap dahil noong nakaraang Linggo lamang ay dalawa rin ang tumimbuwang sa kamay ng mga pulis ni Supt. Jemar Modequillo ng Police Station 4. Kaya kayong masasama, mag-isip-isp na kayo at baka kayo na ang sumunod.

vuukle comment

AFALLA

AILEEN ALVAREZ

ALFREDO LIM

BLUMINTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCTS

CHIEF SUPT

ED MORATA

HERRERA

YUSECO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with