^

PSN Opinyon

'Instant panalo!'

- Tony Calvento -

Marami sa mga kababayan natin ang tumatangkilik ng mga palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Isa na dito ang SCRATCH IT! INSTANT TAMA! sa halagang bente pesos, cash-cashin mo ang swerte! Mas malaking premyo, mas malaking panalo.

Sa bawat taya natin, tayo ay may pagkakataong manalo. Panalo na sa premyo, panalo rin sa pagtulong sa ating mga kababayang may mga sakit.

Sa pagpapatuloy ng pakikipag-ugnayan ng programang PUSONG PINOY at Calvento Files sa radyo, narito ang listahan ng ilan sa aming natulungan.

Ang asawa ni Laura Lazcano, 63 taong gulang ng #125 Bronce St., Tugatog Malabon na si Carlos Lazcano, 64 taong gulang ay may ‘brain tumor’.

Madalas na pagsakit ng ulo, panghihina ng katawan at pagkahilo ang parating nararamdaman ni Carlos.

Nung una’y hindi niya ito ininda hanggang sa mapansin na lang ng kanyang pamangkin na sa tuwing sasakit ang ulo niya’y babasain nito ang kanyang ulo.

Na alarma si Luara sa kinikilos ng mister. Napansin niya kasing pautal-utal na din itong magsalita. Pina-‘check up’ niya ang asawa.

Ang ‘findings’ ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) ni Carlos, may namuong laman sa kanyang utak (tumor).

Ang rekumendasyon ng doktor ay tanggalin na ito. Naging maayos ang operasyon ni Carlos.

Subalit kailangan pang sumailalim sa isang operasyon si Carlos. Ito ang paglalagay ng ‘artificial skull’ kapalit ng tinanggal na bungo sa kanya.

Sa ngayon hindi pa din naisasagawa ang kanyang pangalawang operasyon dahil ayon sa doktor may ‘fungal infection’ ang kanyang anit.

Kailangan munang gamutin ang impeksyon na ito bago maisara ang kanyang ulo.

Ang problemang bayarin ng mag-aswang Lazcano ay umabot na ng halos isang milyon (1Million) sa ospital.

“Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang ganitong kalaking halaga … hanggang ngayon nasa ospital pa din ang asawa ko,” wika ni Laura.

Pinasa ni Laura ang lahat ng ‘medical records’ ni Carlos. Agad namang umaksyon ang aming tanggapan.

Pinaabot namin kay Atty. Joy Rojas, General Manager (GM) ng PCSO ang sitwasyon ni Carlos. Nangako siya sa amin na agad nilang aaksyonan ito. 

Inaantay na lang ni Laura ang ‘guarantee letter’ na ibibigay sa kanya ng PCSO.

Ang apo ni Estelita Lasic, 66 taong gulang ng #30 Mabuhay St., Penafrancia, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

May tumubong bukol sa likurang bahagi ng kanyang apong si Kathleen Joy Valencio. Pinatingin sa doktor ni Estelita ang apo, kinakailangan daw maoperahan na ang bata. Hirap na sa paghinga si Kathleen dahil sa bukol.

Pinapunta namin si Estelita sa PCSO. Pinakumpleto sa kanya ang lahat ng medical record ni Kathleen. Pinarating namin kay Atty. Joy ang kondisyon ng bata, mabilis siyang sumagot na aaksyonan ng PCSO ang anumang medical assistance na kakailangan ni Kathleen.

Si Michael Rabang, 34 taong gulang ng #147 Bulusan St., Mandaluyong City ay may sakit na Lung Cancer stage IV.

Napansin ni Michael na pabalik-balik ang kanyang ubo. Kung minsan din ay hindi na plema ang kanyang inilalabas kundi dugo.

Nagpatingin siya. Sinabi ng doktor na merong bukol sa kanyang baga.

Kinakailangan siyang sumailalim sa isang ‘chemotherapy’ para maiwasan na ang paglala ng kanyang sakit.

“Wala na akong trabaho para matustusan ko ang pagpapagamot sa aking sakit,” wika ni Michael.

Binigyan namin ng referral sa PCSO si Michael. Nakumpleto na niya ang lahat ng requirements na hiningi sa kanya. Sa ngayon hinihintay na lang niya ang ibibigay sa kanyang ‘guarantee letter’ para sa kanyang chemotherapy. Bibigyan na siya ng guarantee letter para sa kanyang libreng chemo therapy.

Si Lorna Rivera, 26 taong gulang ng #3117 Cabileo Cuyapo, Nueva Ecija. Anim na taon siyang naging domestic helper (DH) sa Singapore.

Pilit siyang nagsispag sa Singapore dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Kahit nanghihina na siya’y pilit pa rin niyang ginagawa ang kanyang trabaho.

Napansin ng amo ni Lorna na namumutla ang dalaga. Nawalan din daw ito bigla ng gana sa pagkain at madalas itong nahihilo.

Sinabihan si Lorna ng among magpatingin. Nabigla si Lorna ng ipagtapat sa kanya ng doktor na meron siyang uri ng cancer sa dugo kung saan hindi normal ang pagdami ng ‘white blood cell’ ng pasyente sa ‘bone marrow’ nito. 

“Napakabigat sa aking kalooban na umuwi ako na may sakit ako at may umuwi na may problema,” pahayag ni Lorna.

Ipinarating namin kay Atty. Joy ang problemang ito ni Lorna. Nanga­ko siya sa amin na bibigyan nila agad ng tulong medikal si Lorna.

Makalipas lamang ang dalawang linggo, tumawag sa amin si Lorna. Binalita niya sa amin na nakipag-ugnayan na sa kanya ang PCSO at parating na ang guarantee letter para masimulan na ang kanyang chemotherapy.

Ilan lamang sila sa mga taong humingi ng tulong sa amin na agad namang inaksyonan ng PCSO. Minsan pa nais naming ipaalala na tangkilikin natin ang mga palaro ng PCSO sa bawat piso na sama-sama nating pagtaya nakakatulong ito sa isang buhay na maari nating madugtungan.

Para sa mga taong gustong humingi ng tulong sa PCSO sa pamamagitan ng programang PUSONG PINOY maari niyong ilapit sa amin dito sa Calvento Files. Kami na ang bahalang makipag-ugnayan para sa kanilang agarang pagtulong.

Tumawag lamang sa amin sa 6387285 at sa 24/7 hotline 7104038. Pwede din kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854 o 09206457335. Maari rin kayong magpunta sa 5th flroor Citystate Center Bldg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

AMIN

CALVENTO FILES

KANYANG

KATHLEEN

LORNA

LSQUO

NAPANSIN

PCSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with