^

PSN Opinyon

Fair and orderly ang bidding sa NFA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

FOR the 1st time in history regarding rice importation, ang National Food Authority (NFA), ay nagsagawa ng bidding para sa mga private traders upang mabigyan sila ng pagkakataon na mag-import ng 600,000 metric tons ng bigas gamit ang tax expenditure fund or TEF.

Sabi nga, matinding accomplishments ni Angelito Banayo ito  bilang administrator ng NFA.  

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, “fair and orderly” ang subastahan blues na nilahukan ng 59 bidders all over the Philippines my Philippines.

Laglag ang 24 dahil 35 sa 59 bidders ang pumasa para import permit na may maximum 20,000 metric tons na rice allocation para sa isang winning bidder.

Ang individual award ay nasa 2,500 hanggang 20,000 tons at merong minimum service fee ng P100 per 50-kilo bag.

 Sinabi ni Banayo, “pleasantly surprised,” ang NFA sa bids para sa service fee upang magamit ang TEF, para sa pagbabayad ng 40-percent tariff sa rice.

 Dati ang service fee ng NFA ay nasa P25 per bag pero itinaas ang minimum sa P100 per bag dahilan para kumita P1.2 billion in revenue para sa cash-strapped agency.

 Ayon kay Banayo, ang pinaka-mataas na bid submitted ay nasa P115.25 per bag or 15.25 above the P100 minimum na ibinigay ng NFA sa P100 per bag.

Ang NFA, ay nagtalaga ng 60% ng bigas ay ipapasok mula sa Luzon at 40 % sa Mindanao.

Sabi ni Banayo, ang mga mananalong bidders ay dapat may kakayahan na magdala ng bigas sa tamang oras.

Ayon kay Banayo,kapag ang bilang ng post-qualified bidders ay masyadong konti, ang NFA ay magsasagawa ng second or third round of auction.

Ang bidding para sa 60,000 tons allocated para sa small farmer cooperatives ay na-reset sa April 4.

Ang Villar Foundation

THIRTY eight countries ang nilampaso ng Villar Foudation matapos silang muling bigyan ng karangalan ang Philippines my Philippines dahil kinilala sila sa prestihiyosong United Nations’ sa kategoryang “Best Water Management Practices Award,” sa hindi matatawarang pagsisikap na protektahan ang yamang tubig kasabay ng pagkakaloob ng kabuhayan sa madlang people..

Laglag sa  ‘Sagip Ilog’ program ng Villar Foundation ang 38 countries ng sila ang nanguna sa karangalan natanggap dahil sa malaking kontribusyon sa pagsulong ng mga pamantayan hingil sa kaaya-ayang pamumuhay sa kapaligiran, lalo na sa kabuhayan ng mga mahihirap at hindi pinalad na madlang people, mga institusyon at pang-matagalang pamamahala sa paggamit ng tubig.

Ibinigay kina Sen. Manny Villar, founding chairman ng Villar Foundation, at wife niyang si  Cynthia, dating kongresista ng Las Pinas at pangunahing nagtataguyod ng Sagip Ilog, ang kapita-pitagang parangal sa Zaragosa, Spain kasabay ng espesyal na seremonya sa World Water Day the other week.

Isinusulong ng UN award-giving body ang promosyon sa katuparan ng internasyunal na obligasyon sa mga isyu sa tubig hanggang 2015 upang matiyak ang pangmatagalang paggamit ng tubig sa buong mundo at makamtan ang minimithing mga layunin.

Nakatuon ang parangal ngayong taon sa paksang "Urban Water Management" na siyang pangunahing layunin ng "Sagip Ilog" program.

Naunang nakatanggap ng internasyunal na pagkilala ang Sagip Ilog noong 2006 nang makuha ang “Best Practice Award for its Outstanding Contribution Towards Improving the Living Environment” ng United Nations Humans Settlement Programme at Dubai International Award.

Isang non-stock, non-profit organization ang Villar Foundation na itinatag ng pamilya Villar noong 1995.

Bukod sa pangangalaga sa kapaligiran, nagkakaloob rin ang Villar Foundation ng tulong at proteksiyon sa overseas Filipino workers, pagtatanim ng mga puno, paglilinang ng kultura at arts, kalusugan at serbisyong sosyal, negosyo at charity, kabilang ang poverty-reduction projects.

AYON

BANAYO

LEFT

PARA

SAGIP ILOG

VILLAR FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with