ISANG professor sa State University sa may Walled City, Intramuros Manila ang kinumpronta ng BITAG kahapon, dalawang oras bago isulat ang kolum na ito.
Ito’y matapos lumapit sa aming tanggapan ang kan- yang 2nd year college na estudyante kasama ang magulang nito at inirereklamo ang propesor sa Physics.
Ipinakita nito ang mga text messages ng kanyang pro-pesor kung saan tinatakot siya nito na kung hindi makiki-pagkita, ibabagsak siya sa nasabing subject o gradong 5.0.
Pawang kabastusan at kamanyakan ang nilalaman ng text messages ng propesor sa estudyanteng nagre-reklamo. Imoral na alok kapalit ng pasadong grado ay pakikipagtalik sa kanyang esudyante.
Hindi naman daw ito makikipag-sex sa kanyang estud-yante subalit gusto nitong hawakan daw ang kanyang ari sa loob ng tatlumpung minuto at isagawa ang isang malaswang gawain na hindi na babanggitin pa ng BITAG sa kolum na ito dahil sa kabastusan ng salita.
Sa sobrang takot ng bata na bumagsak sa kanyang Physics subject, nagsabi ito sa kanyang magulang at sa opisina namin ito napadpad.
Umano’y dati na itong gawain ng nasabing propesor. Nagsama noon ng pulis ang dating biktima upang ma-bitag si propesor manyak subalit nakapagtago ito at hindi na nakipagkita.
Kahapon sana ng alas-6 ng hapon ang usapan ng estudyante at ng bastos na propesor. Tinawagan ng BITAG ang suspek at napag-alaman naming sisenta y singko anyos na ang inirereklamong propesor.
Ipinasa naman daw niya ang estudyanteng nagre-reklamo sa aming tanggapan at inamin nitong number nga niya ang nagte-text sa biktima.
Dito, binigyan namin ng babala si Lolo este propesor na kaapelyido ang may-ari ng isang higan-teng network sa telebisyon.
Sa susunod na umulit pa ito at may magpunta pa sa aming tanggapan na siya ang inirereklamo sa parehong sumbong, hindi kami mangingiming BITAGin ito.
Marunong kaming gumalang at rumespeto sa mga matatanda subalit walang puwang ang mga katulad niya sa mga institusyon at kilalang unibersidad katulad ng kanyang pinapasukan sa walled city.
Katatapos lamang mahulog sa BITAG ng Dean ng St. Jude College dahil sa kuwarto o kuwatrong alok nito sa kanyang estudyante.
Huwag na sana itong masundan pa, hindi mag dadalawang isip ang BITAG na ilantad ang suspek at ang eskuwelahan upang makaiwas ang sinumang estudyante.