^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isiwalat ang nalalaman

-

KUNG sa halip nagtago ng 13 buwan ay hinarap na lang ni Sen. Panfilo Lacson ang akusasyon sa kanya, baka tapos na ang kaso at nalantad na ang utak sa karumal-dumal na pagpatay kay PR man Bubby Dacer at Emmanuel Corbito. Pero nagtago nga si Lacson nang aarestuhin na siya noong Enero 5, 2010 at noong Sabado lamang siya lumantad nang kanselahin ng Court of Appeals ang arrest warrant laban sa kanya. Nanggaling sa Hong Kong si Lacson.

Ngayong lumantad na, sinabi niyang may nalalaman siya kung sino ang nagpapatay kay Dacer at Corbito noong Nobyembre 2000. Handa na raw siyang magsalita sa mga nalalaman niya. Ang hindi lamang daw niya nagugustuhan ay ang patuloy na pagsasangkot sa kanya ng mga kaanak ni Dacer ukol sa kamatayan ng dating PR man. Siya raw ang pilit na idinadawit gayung malinis naman ang kanyang konsensiya. Siya raw ang pinagdurusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Dalawang opisyal daw ng nakaraang administrasyon ang na-ging dahilan kaya siya napilitang magtago. Naging biktima siya ng kawalang hustisya.

Sabi noon ni Lacson, lulutang lamang siya kung tapos na ang termino ni President Arroyo pero lumipas pa ang siyam na buwan bago siya lumantad. Kung talagang wala siyang kasalanan, at bilang isang halal na mambabatas, dapat agad niyang hinarap ang kaso. Ang isang walang itinatago ay maaaring humarap kahit kanino sapagkat malinis ang konsensiya. Pero matagal pa bago siya lumantad at maraming nagkaroon ng haka-haka na maaaring may kinalaman siya sa kaso.

Kung mayroon siyang nalalaman, gaya ng mga ipinahayag kamakalawa, isiwalat na niya lahat. Hindi na dapat niyang sarilinin ang anumang nalalaman sa Dacer-Corbito. Sampung taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang krimen at nararapat lamang na makamtan na ang hustisya. Naghihintay ang mga kaanak ni Dacer at Corbito para mahubaran ang tunay na mga salarin at kung sino ang utak. Ibunyag na ni Lacson ang lahat nang nalalaman.

BUBBY DACER

CORBITO

COURT OF APPEALS

DACER

EMMANUEL CORBITO

HONG KONG

LACSON

PANFILO LACSON

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with