^

PSN Opinyon

Bakit payat ang anak ko?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

PARA sa mga magulang, ang mga anak natin ay may panahon na walang ganang kumain. Ayon sa pediatricians, ang edad 2 hanggang 5 ay mga taon na pihikan kumain  ang bata. Pagtuntong sa edad 5 ay gagana na silang kumain.

Alam n’yo ba na ang peanut butter at full cream milk ay ginagamit na lunas sa mga malnourished na bata sa Africa? Masustansya ito. Sa pagbili ng pagkain, hanapin ang may tatak na “Sangkap Pinoy” “fortified foods” at “vitamin-enriched.”

Tingnan din natin ang inyong lahi. Kung ang mga magulang ng bata ay payat, puwedeng namana niya ito. Kung ang magulang naman ay mga dambuhala, siguradong matataba rin ang mga anak. Mana mana po iyan.

Isa pa ring dahilan ng pagkapayat ay ang bulate sa tiyan? Madalas ba sumakit ang tiyan ng bata o dili kaya ay dumumi na siya na may kasamang bulate? Alam n’yo ba na 7 sa 10 Pilipino ay may bulate sa tiyan! Grabe ta­laga ang problemang ito. Ang gagawin ng doktor ay ipapa-check and dumi sa laboratoryo. Kung positibo, papainumin ng pampapurga. Para makaiwas sa bulate, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gupitan ng maikli ang kuko ng bata. Hugasan din mabuti ang mga pagkaing hilaw, lalo na ang gulay at prutas para di magkabulate.

Ano ba ang mabilis magpataba? Siyempre, mataas sa calories ang ice cream, cake, icing, gatas at chocolate. Sa mga kantina, hinihikayat na magtinda ng masustansiyang puto, bibingka at suman para tumaba ang mga bata.

Isa pa, huwag hayaang kumain ng junk foods o sitsirya ang bata. Maganda ring isama ang anak sa hapag kainan para masanay kumain.

Paano naman ang mga sinasabing tabletang pampagana? Alam n’yo, maraming pediatricians ang hindi naniniwala sa mga pampaganang gamot. Ngunit, kung gusto ng bitamina para sa payat na bata, puwede naman. Ang vitamin B complex ay nakapagpapagana sa ating pagkain, bata man o matanda. Ito ang tinata­wag na anti-stress vitamin.

At huli sa lahat, huwag kalimutan ang mga bakuna ng ating anak. Ito po ay hindi dagdag gastos lamang, kundi isang mabisang proteksyon sa pagkakasakit.

ALAM

ANO

AYON

BATA

GRABE

GUPITAN

ISA

SANGKAP PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with