^

PSN Opinyon

Editoryal - Nanaig ang sigaw ng konsensiya

-

MABIGAT ang mga paratang kay Ombudsman Merceditas Gutierrez kaya naman nagpasya ang mga kongresista batay sa isinisigaw ng kanilang konsensiya. Mas marami ang bumoto ng “oo” para ma-impeached ang kontrobersiyal na Ombudsman. Inabot ng alas-dose ng madaling-araw ang botohan at nanaig ang botong 210-47. Maraming kongresista ang pabor na mapatalsik na si Gutierrez. Sa aming palagay, walang kaugnayan ang kumalat na text mes­sages na ang hindi raw boboto ng “oo” para ma­ patalsik si Gutierrez ay hindi mabibigyan ng pork barrel fund. Sabi, kaya raw maraming bumoto pabor na ma-impeached si Gutierrez ay dahil natakot at baka nga hindi mabigyan ng pork.

Nanalo ang botong “oo” dahil nalalaman ng mga kongresista na talagang hindi ginawa ni Gutierrez ang kanyang trabaho bilang Ombudsman. Ang trabaho ng Omnbudsman ay “bantay ng bayan”. Siya ang guwardiya sa mga nangyayaring mali, katiwalian at iba pang kasamaan sa pamahalaan. Siya ang dapat magpursige para makasuhan ang mga sangkot at pagbayarin ang mga ito. Pero hindi ito ginawa ni Gu­tierrez. At ang kanyang di-pag-akto sa mga kaso ang naging dahilan para siya ma-impeached. Pagsira sa pagtitiwala ng taumbayan ang kanyang kasalanan.

Kabilang sa mga kasong hindi inaktuhan ni Gu­tier­rez ay ang P728-milyon Fertilizer Fund Scam. Sangkot dito ang mga government officials; Euro ge­nerals scandal. Hindi sinampahan ng kaso ang police comptroller na si Eliseo de la Paz sa kabila na umamin ito sa kasalanan; Mega-Pacific deal. Inabsuwelto ni Gutierrez ang Comelec officials sa bilyong pisong kontrata sa Mega-Pacific na magsasagawa ng automation sa 2004 elections; NBN-ZTE deal. Hindi niya isinama para maimbestigahan si dating President Arroyo at inabsuwelto pa ang asawa nitong si FG Arroyo; Ang kaso ni Ensign Philip Pestano. Inabsuwelto ang mga opisyal at tauhan ng Philippine Navy na sangkot sa pagkamatay ni Pestano. Hindi naresolba ang sinasabing pagpapakamatay daw ni Pestano; Mababang record ng conviction. Mababa ang performance ni Gutierrez sa pagtupad sa tungkulin kumpara sa mga naging Ombudsman. Ipinagkanulo niya at sinira ang pagtitiwala ng taumbayan.

Iyan ang mga dahilan kaya na-impeached si Gutierrez. Konsensiya ang nanaig sa 210 kongresista. Sana manaig din ang konsensiya sa mga senador na hahawak naman sa kaso ng Ombudsman.

ENSIGN PHILIP PESTANO

FERTILIZER FUND SCAM

GUTIERREZ

INABSUWELTO

MEGA-PACIFIC

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PESTANO

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with