^

PSN Opinyon

Palaban si Gadhafi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI akalain ng taga-Libya na uulanin sila ng tomahawk missiles ng pakawalang ng US of A at ng Britanya ang kanilang nakakatakot na sandata para bombahin ang lugar ni Libyan Leader Moammar Gadhafi para mailigtas daw ang madlang people ng Libya sa pagka-praning ng kanilang panggulo este mali pangulo pala.

 Nagwala si Gadhafi sa ginawang pagbagsak ng mga tomahawk missles sa kanyang land nagbanta ito ng mahabang giyera at gaganti sa pagkamatay ng 48 people at 150 sugatan.

Limang naglalakihan at super power na countries ang nakamasid at nagtutulungan regarding sa military action laban sa Libya ito ang ang US of A, Britain, France, Canada at Italy.

Sana ang nangyayari ngayon sa Libya at maaring mangyari pa ay huwag ng matuloy dahil hindi biro ang mangyayari sa bansang ito kapag nagkataon.

Sabi nga, parang Iraq!

Ayaw kumibo ng Russia at China sa ginawang banat laban sa Libya kaya nakamasid lamang sila at hindi pabor sa nangyari.

Abangan.

Manila Travellers Square and Compass Inc.

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga official at members ng Manila Travellers Square and Compass Inc., sa kanilang ika- unang anibersaryo last March 17.

Ang MTSCI, ay isang piling samahan ng mga hangal este mali halal pala na opisyal, hepe ng kagawaran, abogado, taga-usig (prosecutors), Hukom ng City of Manila at mga kasapi ng Free and Accepted Masons of the Grand Lodge of the Philippines my Philippines.

Sina Bro. Jessie Bautista, ang nahalal na pangulo ng samahan ito, Bro. Bernie Caballes, Vice- President, Bro. Gil Mendoza, Secretary, Bro. Aqui Ismael, Treasurer, Bro. Zahrain Bantao, Auditor, Bro. Ed Borje, PRO, Bro. Christian Cabrera, Sgt. at Arms, Bro. Eugene Kho, Business Manager, Brothers Jhosep Lopez, Silver Castillo, Joselito Vibandor, Deck Quiroz, Bernie Go, Jing Cacatian at Omar Francisco.

Ang layunin ng MTSCI, ay ang pagbuklurin ang kasapi sa pagtaguyod ng kapatiran, kawang-gawa at katotohanan.

Sabi ni Kuyang Gil, kahit isang taon pa lamang ang kanilang samahan ay hindi matatawaran ang kanilang paglilingkod bayan at sa madlang people lalo sa mga kapos palad na mga kababayan.

Isa sa naging proyekto ng grupo ay ang pagtulong sa mga senior citizens ng Barangay 310 malapit sa Manila City Jail sa ilalim ng pangangasiwa ni Barangay ChairwomanThelma Lim.

Mabuhay kayo mga Kuyang

4 cock derby

INAANYAYAHAN ni Atty. Biyong Garing, ng Esargee farm, ang mga sabungero o mananabong na sumali sa 4 cock derby dyan sa Victoria Cockpit Arena, Victoria Oriental Mindoro sa April 15 at 6pm.

Malaking premyo ang iuuwi ng mananalo dahil may P200,000 guaranteed prize pataas, P20,000 para sa handler at P10,000 sa gaffer.

Submission of entries sa araw ng laban desired weight ay 1.8 to 2.4 kgs. pot money P11,000 and minimum bet ay P5.500.

Para sa iba pang katanungan tumawag lamang kay Ted Dagdagan sa 0999-3571584 at 0932-1604223

AQUI ISMAEL

BERNIE CABALLES

BERNIE GO

BIYONG GARING

BRO

BROTHERS JHOSEP LOPEZ

BUSINESS MANAGER

CHRISTIAN CABRERA

MANILA TRAVELLERS SQUARE AND COMPASS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with