Sinisira si Tamayo (1)
MATINDI ang paninira na ipinupukol kay Admiral Wilfredo Tamayo ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa paglustay umano ng pondo. Halatang gawa-gawa lamang ng mga ambisyosong opisyales ang paninira sa kridibilidad ni Tamayo. Mukhang interesado lamang ang mga ito sa puwesto ni Tamayo dahil matatapos na ang paglilingkod nito sa PCG kaya lahat ng paninira ay ginagawa upang mapasakamay ang bibitiwang puwesto. Subalit mahihikayat kaya nila si President Noynoy Aquino? Marahil hindi, dahil ang hinahanap ni P-Noy ay taong may kakayahan sa ahensya at mataas ang kridibilidad.
Paano nila masisilat si Tamayo kung babasehan ang kridibilidad nito katulad na lamang nang maipasa ang Coast Guard Law matapos ang 11 taon mula nang mailipat ang PCG sa Department of Transportation and Communication (DOTC) mula sa dating Armed Forces of the Philippines. Naging tinik sa lalamunan ng ilang ambisyosong opisyales ng ahensya si Tamayo dahil sa kanyang paghihigpit sa pamamalakad sa PCG. Subalit umani naman ng tagumpay ang ahensiya mula sa kanyang pagpupursige katulad na lamang sa pagkilala ng International Communities sa mga bagong batas sa karagatan ng Pilipinas.
Lalong hinangaan ang PCG matapos ang walang humpay na panghuhuli sa mga piratang barko mula sa Indonesia at Singapore. Higit sa lahat ay ang napakabilis na pagresponde ng PCG personell sa oras ng kalamidad kabilang na rito ang pagsagip sa libu-libong nating kababayang sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng. At ang operational funds ay pinamahagi ni Tamayo sa lahat ng PCG na nakarating sa lahat ng sulok ng detachment ng bansa di tulad ng mga nakaraang admistrasyon. Nagsulong ng reporma ang Philippine Coast Guard sa ilalim na pamumuno ni Tamayo ukol sa mahigpit na pagsunod sa tagubilin ni P-Noy ng mga programa tungkol sa malinis at tapat na paglilingkod sa bayan. (Itutuloy)
- Latest
- Trending