^

PSN Opinyon

Transpigurasyon

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang ikalawang linggo sa 40 araw ng paghahanda sa Muling Pagkabuhay ni Hesus. Ito ang Kuwaresma, panahon ng ating patuloy na pagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Ipinamalas ng mga pagbasa na tayo ay pinag­lalakbay ng Panginoon patungo sa isang pagbabago upang tayo ay Kanyang pagpalain.

Makihati tayo sa kahirapan ayon kay Pablo dahil sa Mabuting Balita. Kailangan natin ang tulong ng Diyos na Siyang nagliligtas sa atin. Tinatawag tayo tuwina ng Panginoon at binibigyan tayo ng liwanag. Ipinadadama sa atin ang Kanyang pagbabagong-anyo o transpigurasyon, Ipinakita Niya ang isang napakaganda at napaka-liwanag na tahanan.               

Ikinakita ni Hesus kina Pedro, Juan at Santiago ang kaharian na naroon sina Moises at Elias. Ayaw nang umalis doon ni Pedro, sinabi pa niyang magtatayo sila ng tatlong kubol, isa ay para kay Hesus, at tig-isa pa sina Moises at Elias, upang makaiwas sa ipinahihiwatig ni Hesus sa paghihirap.

Katulad ito ng nadarama natin tuwing dadalo tayo ng “lenten retreat o recollection” na ginaganap sa isang maganda at mapayapang lugar; malayo sa kaguluhan na kung minsan ay nasa tahanan at walang ingay ng mga lansangan. Ang namamayani roon ay katahimikan na pawang panalangin at pagninilay. Para bang wala nang problema sa buhay at sama-sama pang kumakain ng limang beses maghapon.

Tulad ni Pedro ay para bang sinasabi din ng mga nagre-retreat: “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo” Ito’y isang paalaala sa atin na meron talagang magandang buhay sa kaharian ng Diyos. Makakamtan natin ito kung ating mapapag-tagumpayan ang mga pagsubok ng Panginoon. Matapos ang pagbabagong-anyo na nakita ng mga alagad ay sumunod na ang pagpapakasakit ni Hesus. Ang lahat ng mga sumunod sa buhay ni Hesus ay kanyang pinagtiisan maging kamatayan upang matupad ang kanyang misyon, ang pagliligtas sa atin sa kasamaan.

    Matatamo natin ang tagumpay sa kalangitan kung tutuparin natin, isasa-puso at sasa-buhay ang sinabi ni Ama: “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos Kong kina-lulugdan. Pakinggan n’yo siya”.

Gen 12:1-4a; Salmo 32; Tim 1:8b-10 at Mt 17:1-9

DIYOS

ELIAS

HESUS

IPINAKITA NIYA

KANYANG

MABUTING BALITA

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with