^

PSN Opinyon

Hinog para kumibo

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MALAYO raw tayo sa panganib mula sa radiation na manggagaling sa Japan, kung sakaling tuluyang mag-meltdown ang mga fuel rods nito. Malayo tayo, at ang hangin na iihip ay sa silangang bahagi ng mundo tutungo, hindi sa atin. Pero, ang isang fault line na tumatakbo sa pitong siyudad sa Metro Manila, ay hinog na para kumibo nang malaki! Ito ang West Valley Fault Line o kung tawagin noon na Marikina Fault Line, na 200 taon nang “natutulog”. Dahil dito, hindi malayo na tamaan nang malakas na lindol ang Metro Manila “sa nalalapit na panahon”, ayon sa Phivolcs.

Mahirap yung matagal nang tulog, tapos biglang magigi-sing. Isang magandang halimbawa nito ay ang Mt. Pinatubo. Ilang daang taon ding hindi aktibo ang bulkan. Wala na ngang butas sa tuktok. Pero isang araw noong 1991, pumutok ang bulkan at nagdulot nang malaking pinsala. Dahil sa pagputok ng Pinatubo, tinanggal na ang klasipikasyon na extinct para sa isang bulkan. Tulog lang lahat ng bulkan, kahit gaano na katagal hindi pumuputok. Mabuti pa ang mga aktibong bulkan katulad ng Mt. Mayon, na laging “gising”, ika nga, at hindi naiipon ang pagputok dahil laging buhay.

Kaya ayon sa mga eksperto, kung tatamaan ng isang malakas na lindol ang Metro Manila, mga intensity 7 siguro, malawak ang danyos na madudulot nito sa pitong siyudad. Ito ay ang Marikina, Quezon City, Makati, Taguig, Pateros, Muntinlupa at Pasig. Maraming mawawalan ng tahanan, magbabagsakan mga gusali, ilang linggo mawawalan ng kuryente, lahat na! Ngayon pa lang ay umikot na ang ilang opisyal at ininspeksyon ang ilang mga gusali, partikular ang mga paaralan.

Ayan na naman tayo. Ngayon lang nagsisigawa ng mga pag-aaral at inspeksyon ng mga gusali, dahil may nangyari na sa Japan. At sana, ngayon pa lang ay gumagawa na ng mga hakbang para mabawasan man lang ang pinsala at peligro sa mamamayan, kung sakaling tamaan nga tayo ng isang malakas na lindol. Walang makapagsasabi kung kailan tatama ang isang lindol. Pero hindi naman masama maging handa. Kung ang isang bansang napakasanay sa lindol ay pinaluhod ni Inang Kalikasan, paano pa kaya tayo?

DAHIL

INANG KALIKASAN

ISANG

MARIKINA FAULT LINE

METRO MANILA

MT. MAYON

MT. PINATUBO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with