^

PSN Opinyon

Pangamba sa nuclear radiation

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

TUMITINDI ang pangamba sa epekto ng radiation sa nagkaproblemang nuclear power plants sa Japan kasunod nang paglindol doon. Iniulat ng US Nuclear Regulatory Commission na umabot na sa extremely high level ang radiation mula sa Fukushima Dai-ichi Nuclear Power Station.

Sa pangyayaring ito, muling umiinit ang debate sa paggamit ng nuclear energy sa pag-produce ng power para sa mga industriya, kabahayan at sa pag-andar ng ekonomiya ng bansa. Naging mainit noon ang protesta sa pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant. Sa kabila kasi ng paggigiit ng nuclear energy proponents na may sapat na safeguards sa operasyon, mataas ang pangamba na magkaproblema ito kapag may naganap na paglindol, gaya ng nangyari sa Japan.

Ngayon ay muling lumalakas ang panawagan na mas pagtuunan ang paggamit ng alternatibong enerhiya mula mismo sa kalikasan na mas ligtas, malinis at sustainable. Ang komprehensibong pagsasaliksik, paglinang at paggamit sa indigenous, clean and renewable energy sources ay noon pa isinusulong ng aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada.

Ang mga ito ay nakadetalye sa kanyang Senate Bill Number 588. Isinasaad ng naturang batas ang pagbibigay ng sapat na pondo at atensyon sa pagpapaunlad ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya na lokal, malinis, hindi nakasisira sa kalikasan at paulit-ulit na puwedeng gamitin dahil hindi nauubos. Partikular aniya sa mga ito ay ang init mula sa ilalim ng lupa (geothermal), init ng araw (solar), hangin (wind), at alon sa dagat (oceanic waves).

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

FUKUSHIMA DAI

INIULAT

ISINASAAD

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

NGAYON

NUCLEAR

NUCLEAR POWER STATION

NUCLEAR REGULATORY COMMISSION

SENATE BILL NUMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with