^

PSN Opinyon

Kaso ni Ortega dapat resolbahin na

- Al G. Pedroche -

UMAASA ang buong sector ng media na mareresolba sa lalung madaling panahon ang kaso ng pamamaslang sa broadcaster at environmentalist Gerry Ortega ng Palawan. May ilang mga feedbacks tayong natanggap.

May ilang natutuwa sa development lalu na sa mabilis na pagsuko ng ilang suspek nang direkta kay Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn. Pero may nagsasabi na tila may nagsusulputang isyu na lalung nagpapalabo sa usapin. Isang Palaweño na ayaw nang magpabanggit ng tunay na pangalan ang nagsabi na mukhang nahaluan ng pulitika ang pagsisiyasat sa kaso.

Tinuligsa pa si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na aniya’y umaaktong imbestigador, tagapagsalita at tagapagtanggol ng pamilya ng biktima at ng mga suspek. Okay na raw sana na may ilang sumukong mga suspek na posibleng magbigay linaw sa kaso pero mukha raw lalung lumabo.

Sa ganang akin, kung totoong may bahid pulitika, mata-talino naman ang ating mga probers para ang kaliit-liitang anggulo nito’y masilip at magtamo ng hustisya ang usapin at mapanagot ang mga dapat managot. Pakatutukan lang ang motibo ng pagpatay. Sino ang mga nasagasaang matindi ni Ortega sa kanyang krusada laban sa pagmimina at yun ang bigyan ng timbang. Kahit pa political figure ang suspek, tingnan ding mabuti kung may interes ito na napinsala ng mga pagbatikos at adbokasya ni Ortega.

Magugunita natin na si Mayor Hagedorn mismo ang      naglakbay mula Puerto Princesa patungong Quezon Pro-vince para sunduin ang sumukong suspek na si Rodolfo Edrad na kilala rin sa alias na Junjun Bumar. Itong si Bumar ang nagnguso naman kay ex-Palawan Governor Joel Reyes bilang isa sa mga utak ng pagpaslang.

Si Reyes daw ang ma­­ higpit na kalaban ni Hagedorn sa pulitika sa Pala-wan. Lalu pa raw naging kuwestyonable ang aksyon ni Hagedorn nang tahasang ideklarang “closed case” ang kaso ng pagpatay kay Ortega.

Bilang isang media practitioner na concerned sa kaso ng pagpatay sa isa na namang kabaro, kasama ako sa mga uma­asa at marubdob na dumadalanging magiging impartial ang mga autoridad na nag-iimbestiga sa kaso kagaya ng National Bureau of Investigation.

vuukle comment

GERRY ORTEGA

HAGEDORN

ISANG PALAWE

JUNJUN BUMAR

MAYOR HAGEDORN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ORTEGA

PUERTO PRINCESA MAYOR EDWARD HAGEDORN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with