^

PSN Opinyon

Si PNP Supt. Miguel P. Atienza

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGSUMBONG sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang bebot dahil pinagbubulwayan daw siya ni PNP Supt. Miguel P. Atienza, ang bungangero este mali hepe pala ng Guiginto police station dyan sa Bulacan.

Sabi ni Annabelle Bilasano, isang government of the Republic of the Philippines my Philippines employee sa mga kuwago ng ORA MISMO, nagpunta siya sa office ni Miguel para mag-reklamo dahil ninakawan siya ng kanya katulong ng mga jewelries.

Imbes na tratuhin tao ay pinagsisigawan daw siya at hindi malaman kung ano ang dahilan ng ikinagalit ni Miguel.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang sabi ni Annabelle kay Miguel ng lapitan niya ang hepe ng pulisya na kung puede niyang invite sa presinto ang kanyang katulong dahil hindi biro ang alahas na ninakaw nito sa kanya.

Bakit kaya ganito ang isinalubong ni Miguel kay Annabelle?

Sabi nga, binastos!

Kung ganito ang klase ng mga alagad ng butas este mali batas pala paano sila lalapitan ng civilian para hu­mingi ng tulong sa kanila.

Hindi ba ang madlang public ang nagpapasahod kay Miguel?

Ano ba ito, SILG Jesse Robredo?  Hindi naman bastos at arogante si CPNP Raul Bacalzo, kahit mainit ang ulo!  Ano kaya ang masasabi dito ni Region 3 PNP Director Allan Purisima?

Ang mga binanggit na names ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mga amo ni Miguel sa itaas ay mga masayahin kausap, mabait, at marunong makipag-kapwa tao.

Si Miguel?

Ano sa palagay ninyo?

Tiyak kapag nakarating kay Allan ang ginawang ni Miguel baka siya ang masigawan nito.

Mali as in mistake ka naman Miguel.  Isang bebot sisigawan mo at hindi ka na nahiya sa kanyang ipinakita mo ang tunay mong kulay.

Bakit, bakit, bakit Miguel?

Payo kay Annabelle ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Office of the Ombudsman Military Affairs ka maghain ng reklamo para malaman ni Miguel ang kanyang galing.

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na sangkatutak ang illegal dyan sa jurisdiction ni Miguel hindi na natin iisa-isahin dahil nga parang kabute itong namumutaktik dyan.

Abangan.

Madlang people mag-ingat

HINDI biro ang tsimay este mali ‘tsunami’ na tumama sa Japan yesterday masiado itong malakas at matindi ito kaya naman marami ang kinuha ni Lord na mga Japanese national.

Sabi nga, ipagdasal natin sila!

May babala ang Phivolcs dahil baka tumama ito sa Philippines my Philippines kaya naman pinasasabi nila sa madlang people sa Albay, Cagayan at iba pang lugar na lumikas muna sa mga nakatira sa malalapit sa dagat.

Ika nga, go to higher mountains!

Huwag tayong magpa-bright-bright dahil hindi biro ang warning ng Phivolcs sundin natin sila dahil ang buhay ninyo ang pinangangalagaan ng gobierno.

Sabi nga, mag-ingat!

ANNABELLE

ANNABELLE BILASANO

ANO

BAKIT

DAHIL

DIRECTOR ALLAN PURISIMA

MIGUEL

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with