'Aksyon Line!'
Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay may iba’t ibang programang inilunsad para mas mapalawak ang pagtulong sa mga kababayan nating walang kakayahang magpagamot.
Nariyan ang programang Individual Medical Assistance Program (IMAP) kung saan nagbibigay ang PCSO ng guarantee letter sa mga pasyente. Ang Endowment Fund Programs naman ay ang paglalaan ng pondo sa mga iba’t ibang National Hospitals at Government Health Centers sa bansa.
Ang pinakabagong programa nila ay ang ‘Child House Program’. Ito ay ang Tahan-Tahanan ng East Ave. Medical Center. Isang lugar kung saan ginagamot ang mga batang cancer patient na mula pa sa malayong lugar sa probinsya
Hindi lang dyan tumitigil ang PCSO sa pagbibigay ng medical assistance kasama ang Calvento Files. Narito ang ilan sa mga taong natulungan namin:
• Isang ‘Breast Cancer patient, stage IV’ ang minsan ng nagsadya sa amin upang ilapit sa PUSONG PINOY ang kanyang karamdaman.
Siya si Leonora Montes, 57 taong gulang ng #5 Lourdes St., Pasay City.
Ayon sa doktor, meron na lang siyang anim na buwan para mabuhay. Kailangan na ni Leonorang sumailalim sa isang ‘chemotheraphy’.
Ika-22 ng Pebrero 2011 nagpunta siya sa PCSO. Pinasa niya ang lahat ng kanyang ‘medical record’.
Makalipas lamang ng dalawang linggong paghihintay, bumalik siya upang kunin na ang ‘guarantee letter’ na nagkakahalagang Php 137,000. Sagot na din ng PCSO ang kanyang pagpapa-chemotheraphy.
“Lubos ang pasasalamat ko sa programang Pusong Pinoy ng PCSO at Calvento Files. Isang malaking tulong ito sa katulad kong kapos sa pera,” pahayag ni Leonora.
• Si Dolores Alday, 53 taong gulang ng B-2, Lot 27, Sixta Matias, Sampaloc St., Bagumbong, Caloocan City.
Ang asawa niyang si Nestor Alday, 54 taong gulang ay may namuong laman (tumor) sa kanyang kanang binti.
Matindi na ang pamamaga ng binti ni Nestor. Dahilan para hindi siya makalakad.
Noong huling nagpatingin sa dokor si Nestor sinabi sa kanya na kailangan niyang sumailalim sa embolization of hemangioman. Isang ‘medical procedure’ kung saan sinusuri ang mga may depektong ugat.
Kailangan niya ng halagang Php 73,475. Nakapaloob na dito ang mga ‘laboratory tests’ na gagawin sa kanya.
Pinapunta namin si Dolores sa PCSO. Hiningi sa kanya ang lahat ng medical records ng mister. Maliban pa rito pinakuha rin siya ng ‘quotation’ (listahan) ng mga gagastusin.
Sa ngayon nakumpleto na ni Dolores ang hininging ‘requirements’ sa kanya. Hinihintay na lang niya ang ‘guarantee letter’ na ibibigay ng PCSO.
• Ang anak naman ni Roger Enesio, 56 taong gulang ng #14 E. Pantaleon St., Mandaluyong City na si Ronalyn Enesio, 11 taong gulang ay may acute lymphoblastic leukemia (uri ng cancer sa dugo).
Nakakaranas siya ng madalas na pagdugo ng kanyang gilagid sa tuwing magsisipilyo, mabilis na paghapo at madali siyang magkaroon ng pasa.
Pinatingin ni Roger ang anak. Dito nila nalaman na ang ‘white blood cells’ ni Ronalyn ay hindi normal ang pagdami. Dumarami ang white blood cells dahil kinakain nito ang red blood cells sa katawan ni Ronalyn.
Binigyan ng listahan ng gamot si Roger. Ang mga gamot na ito ang tutulong sa red blood cells ni Ronalyn na dumami.
“Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng halagang Php 91,310 para sa isang buwang gamutan ng anak ko,” pahayag ni Roger.
Nagpunta si Roger sa PCSO. Pinaabot namin kay Atty. Joy ang kondisyon ni Ronalyn. Nangako naman siya na agad aaksyon ang PCSO para sa agarang pagpapagamot ng anak.
• Si Adelaida Avila, 50 taong gulang ng #1449 Abandon Rd., Bancal, Carmona Cavite.
Ang asawa ni Adelaida na si Romeo Avila, 52 taong gulang ay kinakailangan sumailalim sa isang retinal detachment surgery ng kanyang dalawang mata.
Ayon sa doktor kailangan na daw maoperahan ang mga mata ni Romeo para hindi na lumala ang pagkasira nito.
Binigyan sila ng listahan ng mga gastusin. Halagang Php 53,700 ang kailangan sa ganitong uri ng operasyon.
“Nagtitinda lang ako ng mga panali sa buhok sa palengke. Kulang pa ang kinikita ko para sa aming pamilya,” wika ni Adelaida.
Binigyan namin ng referral si Adelaida sa PCSO para matulungan agad ang kondisyon ng kanyang asawa.
Sa ngayon, hinihintay na lang niya ang guarantee letter na ibibigay sa kanya ng PCSO para sa operasyon ng mister.
Ang PCSO ay patuloy sa pagtulong at paglulunsad ng mga bagong progama para sa ating mga kababayan tungkol sa kanilang problemang pangkalusugan.
Kaya’t kami rito sa Calvento Files ay nakikiisa sa PCSO para iparating sa inyo na patuloy nating tangkilikin ang kanilang palaro dahil sa bawat piso na binibili natin sa kanila sa ‘Lotto’ o ‘Sweepstakes’ malaking bahagi niyan ay binabalik sa mga kapuspalad nating kababayan sa oras ng kanilang matinding pangangailangan.
Para sa mga taong gustong humingi ng tulong sa programang PUSONG PINOY maari niyong ilapit sa amin dito sa Calvento Files at ipararating namin sa kanila. Maari kayong magtext sa numerong 09206457335.
Tumawag lamang sa aming tanggapan sa 6387285 at sa 24/7 hotline 7104038. Pwede din kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854 o magpunta sa 5th floor Citystate Center Bldg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
* * *
Email address: [email protected]
- Latest
- Trending