^

PSN Opinyon

Dami pang problema na darating sa PHL

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

BILIB ako sa mga kababayan natin dito sa Amerika sapagkat kahit na dumadanas din sila ng paghihirap sa kabuhayan dahil bagsak ang ekonomiya ay naiisip pa rin nila ang kalagayan ng kanilang mga kamag-anak at ka­ibigan sa Pilipinas. Alam kasi ng Pil-Ams na mas grabe ang dinadanas ngayon ng mga nasa Pilipinas lalo na at hindi na nakatatanggap ang mga ito ng tulong na dati-rati ay nanggagaling sa mga kamag-anak nila sa Amerika dahil sa hirap na rin ang mga naririto.

Usap-usapan dito na patuloy pang tataas ang presyo ng gasolina at mga bilihin hangga’t hindi nareresolba ang kaguluhan sa Libya.

Maraming OFW na ang nagsilikas sa Libya upang makaligtas sa panganib. Ang problema ay bigla silang nawalan ng kikitain. Hindi naman kakayahin ng gobyerno na pakainin ang mga ito at ang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Pinakamalaking problema ay walang maibibigay na trabaho ang gobyerno sa mga ito. Ang magagawa na lamang ng gobyerno ay ihanap na naman sila ng mata­trabaho sa ibang lugar na nangangailangan ng mga manggagawa. Ito ang binubuno ngayon ng DOLE at POEA. Kaya lang ay hindi magiging mabilis dahil sa dami nila.

Ito ngayon ang problema na kailangang bigyan ng atensiyon ni President Noynoy. Dapat niyang asikasuhin kaagad ito upang maiangat ang ating bansa sa paghi­hirap. Kapag natupad niya, makikita na natin ang sinasabi niyang tuwid na landas.

ALAM

AMERIKA

DAPAT

KAPAG

KAYA

MARAMING

PILIPINAS

PRESIDENT NOYNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with