^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tularan ng PHL ang HK sa bilis magparusa

-

KUNG ang Pilipinas ay mabilis magparusa sa mga mahuhuling drug trafficker, walang manga-ngahas na gumawa nito. Pero dahil nga mabagal at hindi naman death penalty ang hatol sa drug trafficker dito, maraming lumalabag sa batas. Kung maimpluwensiya pa ang drug trafficker, puwede pa niyang malusutan ang batas. Maaari rin na makatakas.

Ang ganyan ay hindi puwede sa Hong Kong. Kahit na kapiranggot ang mahuling droga sa isang tao roon, may katumbas na agarang parusa. Mabilis ang hatol – kung hindi kulong ay parusang kamatayan.

Isa si dating Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa nakasampol sa matinding batas sa Hong Kong. Hinatulan siya ng 18 buwang kulong dahil sa pagpapasok ng illegal drugs. Hindi uubra roon kahit na kongresista pa ang nahulihan ng droga. Kung dito sa Pilipinas nahulihan si Singson ng droga baka nakalaya na siya. Nahuli si Singson sa Chek Lap Kok International Airport noong Hulyo 2010.

Mabilis ang hustisya sa Hong Kong. Gumagalaw ang batas at hindi natutulog ang mga prosecutors. Mas lalo silang mabilis magparusa kapag illegal drugs na ang pinag-uusapan. Hindi sila nangingi-ming magparusa kapag nahulihan ng drugs. Kung maraming ipinasok na droga si Singson, tiyak na kamatayan ang ihahatol sa kanya.

Ipinasya ni Singson na magbitiw na bilang kongresista. Tama lamang ang kanyang ginawa at sana ay noon pa. Hindi na sana niya pinagtagal pa ang pagbibitiw. Isang malaking kasiraan sa House of Representatives na mayroon silang miyembro na gumagamit ng droga. Taumbayan ang natalo dahil ang kanilang ibinoto ay hindi pala magagampanan ang serbisyo. Ang pagbibitiw ni Singson ay dapat gayahin ng iba pang kongresistang may nakabimbin na kaso. Huwag hintayin na isuka pa sila.

Mangyari rin sana sa Pilipinas na maging ma­­­bilis ang pag-usad ng kaso. Kung mabilis ang hus­ tisya at mabigat ang parusa laban sa drugh traffickers, walang lalabag sa batas.

vuukle comment

CHEK LAP KOK INTERNATIONAL AIRPORT

GUMAGALAW

HONG KONG

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ILOCOS SUR REP

MABILIS

PILIPINAS

RONALD SINGSON

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with