Dr. Elicaño, ibig ko pong magtanong ukol sa brain tumor. Kasi po ang aking kapatid na lalaki ay madalas na sumakit ang ulo na may kasamang pagsusuka at pagkahilo. Pero nawawala rin naman. Ibig ko lang pong malaman kung ano ang mga palatandaan ng may brain tumor. Salamat po at God Bless. —PAT M. SANTOS, Sulucan St. Sampaloc, Manila
Ipinapayo ko na magpatingin siya sa doctor para ma-laman kung ang mga nararamdaman ng kapatid mo ay may kaugnayan sa brain tumor. Malalaman kung may brain tumor sa pamamagitan ng CT and MRI. Ginagamit din ang Nuclear Medicine procedures para ma-detect ang tumor.
Ang brain tumor ay abnormal cells sa utak. Maaari itong malignant at non-malignant at maaaring ikamatay. Dahil sa iba’t ibang lokasyon ng brain tumor, maari itong maging dahilan ng malubhang sintomas. Ang mga sintomas na may brain tumor ay ang pananakit ng ulo, pagsusuka, nausea, pagkahilo, mahinang makaintindi, panlalabo ng paningin at pamamanhid ng kabiyak na katawan. Ang brain tumor ay maaring magkaroon ng secondary growth kung saan maaari itong maging malignant sa ibang bahagi ng katawan.
Ang brain tumor ay maaaring resulta ng tuberculosis at syphilis. Nararapat na gamutin ang mga sakit na ito sakali at present ito. Ang pag-iingat ay dapat na isagawa. Iwasan ang mga bagay na maaaring magpalubha sa sakit lalo pa kung nauugnay sa cancer. Halimbawa ay ang paninigarilyo. Itigil ang bisyong ito habang maaga pa.
Kabilang sa treatment ng brain tumor ay ang operas-yon, radiation theraphy, chemotheraphy at ang radio-isotopes.