NAPADPAD ako sa Batasang Pambansa noong Lunes para sa isang pagpupulong kay Rep. Irvin Alcala ng Quezon. Habang nasa Kamara – tinawag na House of the People – damang dama ko ang excitement ng mga kongresista dahil pinaghahandaan nang talakayin ang kontrobersyal na mga panukala sa Reproductive Health (RH) o Responsible Parenthood Bills.
Di tulad ng marami na may malalakas nang opinyon sa usaping ito, ako’y napapabilang sa tahimik na mayorya na umaalalay lamang hanggat hindi pa hustong napapagusapan ang mga argumento. Napakaraming posibleng paraan ng pagsulat ng remedyo o solusyon sa problema. Minsan nga, maging ang may kahawig na paninindigan ay nagkakawalay dahil lamang sa di pagkakaunawaan sa pagtitik ng probisyon ng pinag-iisang mga proposal.
Siguradong mahaba pa at madugo ang daang lalakbayan ng RH Bills. Pansamantala’y matagumpay nitong itinatanim sa isipan ng lipunan ang problemang nagbigay bunga sa RH Bills, ang population explosion.
Sa isang mundong limitado ang likas yaman, mara-ming implikasyon sa kalidad ng buhay ang walang limit na pagdami ng tao. Anuman ang paniwala tungkol sa desisyon ng pamahalaan sa sensitibong usapin – kung ito’y dapat mamagitan o maghuhugas kamay, nandiyan pa rin ang katotohanang kailangang lunasan ang sakit na bitbit nito. Kasunod ng kalusugan, at food, clothing and shelter, ang malaking problema ay papaano pagkakasyahin ang mga ito sa mga iskuwelahan?
Sa huling bilang ng DepEd, umaabot na sa mahigit 150,000 ang classroom shortage ng Pilipinas. Hindi pa kasama ang desk and chair shortage at ang teacher shortage. Napakalaking problema na ang bigat dalhin.
Mabigat kung walang kabalikat. Mabuti na lang at mayroon. Sa Laguna, Surigao at Camarines Sur, ang MyShelter Foundation sa pamumuno ni Executive Director Iliac Diaz ay nanguna sa pagtayo ng classroom na gawa sa plastic bottles, sa lupa o sa kawayan. Mas mura, mas mabilis itayo at mas environment friendly.
Hindi pa malaman sa ngayon kung papaano kikilos ang mga kinatawan sa mainit na isyu ng family planning o responsible parenthood nga kung ituring. Salamat at may mga MyShelter Foundation na hindi iniintay ang resolus-yon ng isyu bago tumulong sa kasalukuyang henerasyong nangangailangan.
MyShelter FoundationGrade: 100% Responsible