^

PSN Opinyon

Marcos 'angel' pala kumpara kay Gadhafi

- Al G. Pedroche -

MATIGAS itong si Libyan dictator Moammar Gadhafi. Kapit-tuko at winelding sa pagkakakapit sa puwesto. Hindi umuubra ang mapayapang people power revolution para patalsikin siya.

Kaya ano mang oras ay posible nang kumilos ang Amerika para puwersahan nang bitbitin si Gadhafi para alisin sa kapangyarihan.

Naaalala ko pa na noong EDSA People Power re­vo­ lution noong 1986 – isang tawag lang mula kay Pangulong Ronald Reagan ang kinailangan ni Marcos para bumaba. “Cut and cut clean” ang sabi.

Pagkatapos noon, ineskortan na si Great Makoy papalabas ng palasyo ng mga US Marines. Wala ring karahasang naganap sa tatlong araw na EDSA revolution. Pati buong military ay kumampi na sa mga nagtipun-tipong mamamayan. Pero tila mga mersenaryo ang mga kabig ni Gadhafi o mga sundalong mula sa ibang bansa. Mga bayaran wika nga kaya todo protekta sa kanya.

Kaya naman peligroso ang kalagayan ng ating mga OFWs sa Libya. Yung ibang mga foreign workers sa Libya ay mabilis natutulungan ng kani-kanilang mga gobyerno para mabilis na mailikas.

Sa kaso ng mga Pinoy – nagmamarakulyo na ang mga ito sa anila’y mabagal na pag-aksyon ng gobyerno, partikular ng Department of Foreign Affairs para sila sagipin. Ang problema ay pondo. Si Presidente Noynoy na mismo ang nagsabi na hindi tayo katulad ng Amerika na episyente sa pagsaklolo sa kanilang mga mamamayan dahil may logistics at sapat na kagamitan.

Naku – kawawa naman talaga ang mga “bagong bayani” at tila nagiging “nagagagong bayani.” Akala ko ba ay sila ang number one source ng ating dollar reserves? Bakit ngayong sila ang nangangailangan ay parang matumal ang dating ng saklolo?

Hindi ba talaga puwedeng gawan ng paraan ito? Mantakin ninyo na uma­abot pa raw sa mahigit na 15,000 Pilipino ang nasa Libya ang naghihintay pa ng saklolo pero habang isi­nusulat ko ang kolum na ito ay nasa 500 pa lang mahigit ang nailalabas sa magulong bansa. Hindi pa puwedeng gamitin ang ating mga C-130 planes ng Philippine Air Force at ang mga sasakyang pandagat ng Navy kung walang sapat na pera para umupa ng commercial planes. Haayyy!

AMERIKA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GADHAFI

GREAT MAKOY

KAYA

MOAMMAR GADHAFI

PANGULONG RONALD REAGAN

PARA

PEOPLE POWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with