^

PSN Opinyon

Quezon City Trowel Club

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

FIRST of all, humihingi ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng paumanhin sa mga duly elected Brethren ng Trowel Club, ito ay samahan ng mga Master Mason sa Philippines my Philippines na pinamumunuan ni Bro. Atty. Amir Pelaez ng Office of the Ombudsman dahil nawala sa isip ng Chief Kuwago na induction of officers pala nila yesterday Friday sa Quezon City Sports Club, dyan sa E. Rodriguez Avenue, Kyusi.

Sabi nga, I’m sorry!

Ika nga, huli man daw at magaling ay late na rin!

Ang mga newly elected officials ng Trowel Club ay sina President - Bro. Vladimir “Amir’ F. Pelaez, Cosmos #8, VP Internal Affairs - Bro. Tony Ong, NS Amoranto #358, VP External Affairs - Bro. Dario T. Añasco, Jr., Island Luz Minerva #5. Secretary  Bro. Erick S. Gatbonton, Island Luz Minerva #5, Treasurer. - Bro. Voltaire M. Padilla, Island Luz Minerva #5, Auditor - WB Vicente Llave, Jr., Island Luz Minerva #5, PRO - Bro. Joel Eustaquio A. Purugganan, III, Batong Buhay #27 at  Bro. Gregorio T. Banacia, Memorial #90.

Blackboard este mali Board pala of Directors ay sina Bro. Benjamin Elenzano, NS Amoranto #358, Bro. Albert Caparros, Kakarong #327, Bro. Nestor Abalos, Island Luz Minerva #5, Bro. Freddie Lilagan, Island Luz Minerva #5 at Bro. Robert Sales, Pagkakaisa #282

Ang mga adviser ng Trowel Club ay sina WB Benjardi H. Mantele, Dasmarinas #346 and Pinatubo # 52 at WB Isagani R. Versoza, Island Luz Minerva #5, Immediate Past President,

Ang naging panauhin pandangal  ay sina Quezon City Mayor Herbert ‘Bistik’ Bautista at CPNP Raul Bacalzo, inducting officer.

Tsibugan umaatikabo dahil grabe as in grabe ang inihandang mga food and drinks kaya naman maraming mga masayang Kuyang ang nagsi-uwi matapos ang koronasyon este induction pala.

Chong ng Malison Inc.

DALAWANG mga bossing ng isang retail establishment na ayaw magbayad ng tax sa gobierno ni P. Noy ang kinasuhan ng Bureau of  Internal Revenue sa Department of Justice.

Buti nga!

Hndi nagbayad ang Malison Incorporated na may office sa Guadalupe Nuevo, Makati City ng P2 million dahil dinedma lamang ito nina  Erlinda Chong, panggulo este mali pangulo pala at Irene Chong, chief finance officer.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Sa investigation at records ng BIR Makati may P2 million plus ang hindi binayaran  VAT at income tax ng Malison Inc.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nagbigay ng  Assesstment notice ang BIR sa Malison kasunod ang collection letters para obligahin magbayad ng tax liability pero nagkibit balikat lamang ang pinadalhan ng sulat.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Dahil dehins nag-yadba ng buwis ang company kaya napilitan ang BIR na sampahan sila ng case problem sa DOJ.

Abangan.

Si Cherry ni bulok syota ni Sherwin

BUMULUSOK paitaas ang engreso ng grupo ni Tony bulok kung ang pa-jueteng nito ang paguusapan. Dahil nakikialam sa dayaan bulahan ang anak nitong si Cherry ngayon.

Binuksan ni bulok ang jueteng operations niya noon New Year at ngayon Pebrero ay humataw na ito sa Caloocan City, Marikina City, Pasig,City Antipolo City,  Manila City at sa buong Quezon City.

Si Cherry ang bagong syota ni Sherwin ang gumigitna sa operasyon ng dayaan bolahan ni bulok.

Sabi nga, nakikialam!

Pinangalanan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ang mga top brass tauhan ni bulok na sina Kit, Dindo, Jun, isang Rey Pablo at isang Egay Nepomuceno ang mga ito ang nakikipag-usap para aregluhin ang dapat areg­luhin para hindi mabulabog ang pasugal ni ‘manager’ Tony.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Sherwin na syota ni Cherry ang nagpapatakbo ng jueteng operation ni bulok  sa Caloocan samantala isang Cris dela Paz, ang may hawak ng Pasig/Marikina jueteng operations.

Sa Tuesday, ay ilalabas ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kumbinasyon ng mga nanalong numero ng pa jueteng ni bulok sa mga nasabing lugar  at kung saan ito binobola.

Abangan.

BRO

CITY

ISLAND LUZ MINERVA

MALISON INC

NAKU

SHERWIN

TROWEL CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with