^

PSN Opinyon

Pirated DVD, economic sabotage

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BAWAL as in bawal ang pirated DVD na kumalat sa Philippines my Philippines kaya lang ang problema na gobierno ay walang ‘political will’ para bigyan ng ultimatum ang mga sindikato.

Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang lugar sa Bulacan ang gawaan ng pirated DVD na ipinakakalat sa buong Philippines my Philippines. Ang nasabing planta ay ni-raid na ng mga authorities pero up to now ay nasa active pa rin ang operasyon nila.

Sabi nga, from Aparri to Jolo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng isang Mr. Lim ang nagmamando sa mga sindikato dahil ito ang mastermind ng pirated DVD samantala ang mga alaga nito ay sina Jackie, Jackson, at Alex.

Ang grupo ni Mr. Lim ang nagbubuhos ng mga pirated DVD dyan sa isang malaking mall sa Divisoria at si Jackie ang taga-kalat nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit up to now ay buhay na buhay ang operasyon ng mga pekeng DVD?  Ang mga sindikatong ito at sinasabing  kilalang -kilala ng mga kamote dyan sa OMB at maging mga bugok dyan sa NBI.

Ika nga,  active as in gising na gising sila sa kanilang ‘monkey business.’ 

Abangan.

Killer ni BIR-RDO Layno Yap

TATLONG DAAN LIBO piso, ang salaping nakalaan sa madlang people na magngunguso kina Armando Carino, alyas Manding at isang Lito matapos magbigay ng salapi ang pamilya ni Marcelino “Layno” Yap at si Antipolo CIty Mayor Nilo Leyble, bilang pabuya sa agarang ikadarakip ng dalawang gagong suspects sa itaas.

Binaril hanggang mapatay si Layno ni Manding habang papasok ito sa kanyang office the other week tinitiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hired killer si Armando at inupahan para tigukin si Yap.

Mabagal as in very slow ang ginagawang follow-up ope­rations ng mga authorities para masilo ang mga gagong pumatay kay Layno kaya nga nagbigay ng reward para gumalaw ang kaso at mahuli ang mga tarantado.

May mga death threat si Layno dahil istrikto ito sa kanyang job bilang BIR Regrional Director sa Marikina City, siguro may naapakan itong malaking isda kaya siya pinaupakan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit noon BIR-RDO ito sa Davao ay may mga kamoteng tumatakot dito isa na daw ang grupo ng Davao Mafia.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit sa Marikina City nakatalaga si Layno ay sinusundan pa rin siya ng mga galamay ng Davao Mafia dahil matagal na siyang tinatarget ng mga ito.

Abangan.

Pagdami ng drug courier sa NAIA dahil sa x-ray machine

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hanggang hindi pinapalitan ang mga x-ray machine sa Ninoy Aquino International Airport terminals ay malayang makakalusot ang mga drug courier na may dalang mga illegal drugs paputang aboard este mali abroad pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kayang tiktikan o makita ng x-ray machines sa mga departure areas ng NAIA Terminals ang mga dala ng drug courier dahil ang nasabing makina ay hindi ginawa para imonitor ang anuman klase ng droga kundi ito ay para sa pagtitiktik ng lahat ng klase ng bakal tulad ng baril, wiring, kutsilyo, nail cutters echetera.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang grupong nag-offer ng x-ray machine from US of A na kaparaho ng x-ray machine na ginamit noon dumating sa Philippines my Philippines si USA President George Bush.

Ang lahat ng tao nakapaikot o nasa vicinity ng paliparan noon ay huli ng x-ray machine at ang mga taong nakikita sa monitoring tv ng makina ay walang mga saplot ang katawan at kita pati ang kaloob-loobang ng bituka.

Sabi nga, skeleton!

Kaya kahit anong tago ang gawin ng mga drug syndicate at courier lunukin man nila ang dala nilang droga ay siguradong buko kapag dumaan sa x-ray machine na ito.

Ang binili kasi ng mga bright na x-ray machine ay from China at na ginagamit ngayon sa airport kaya naman marami ang nakakapagpuslit ng droga palabas ng Philippines my Philippines.

“Bakit ito kasi ang binili ?’ Tanong ng kuwagong nabukulan.

Sagot - dahil sa komisyon? Hehehe!

vuukle comment

AYON

DAVAO MAFIA

KUWAGO

LAYNO

LEFT

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with