^

PSN Opinyon

'Yari ako!'

- Tony Calvento -

Alas otso ng umaga… ika-3 ng Enero 2011… isang lalaki ang tumatawid sa panulukan ng Aguinaldo at Gen Mc. Arthur Streets sa Araneta, Cubao. Maingay na tunog ng gomang kumakayas sa aspalto ang nadinig sa paligid. Isang taxi ang kumakaskas at mabilis na prumeno. Hindi na niya nakuha pang huminto kaya’t itinuloy na niya.

Sumigaw ang lalake nang magulungan ang kanyang mga paa ng taxi. Kinabog niya ang likuran ng taxi. Nagalit ang drayber nito at mabilis na bumaba. Ang gahiganteng drayber na mahigit sa anim na talampakan ang tangkad. Bato-bato ang katawan.

Ang taong naglalakad ay si Joebert Toledo o “Bert”, 30 taong gulang ng Cainta, Rizal habang ang taxi driver naman ay si Porferio Itol.

 Ang lahat ay wala pa sa wisyo dahil katatapos pa lamang ng putukan at kasisimula pa lang ng 2011.

Araw-araw yan ang kalyeng dinadaanan ni Bert papasok sa kanyang trabaho. Siya ay isang taon ng ‘bike rider’ (delivery boy) ng McDonalds sa Araneta.

Pula ang ilaw sa ‘stop light’, nakahinto ang mga sasakyan. Tumawid si Bert. Biglang nag-‘go’ ang stop light habang nasa kalagitnaan siya.

Nagmadali siyang tumawid. Umasa siyang pagbibigyan siya ng mga sasakyang parating subalit hindi ang taxi na ito. Dumiretso ang taxi, sabay preno. 

Sumubsob si Bert sa harapan ng taxi. Nagulungan ang kan­yang paa.

Lumabas ang isang matangkad at malaking katawang dray­ber. Nang makita ni Bert, napalunok siya ng kanyang laway at sinabi sa sariling, “Naku po! Yari ako…ang laki pala nito.”

Nagtapang-tapangan pa rin si Bert at hinarap niya ang dray­ber na si Porferio.

“Bakit ’di mo ko pinagbigyan. Alam mo namang patawid ako,” sabi ni Bert

“Eh! Bakit ka tumawid! Alam mo namang green light na!” sagot ng Drayber sabay binigwasan niya si Bert. Tumama ito sa kanyang kaliwang sentido.

Hindi nagpapigil si Porferio. Pinagsusuntok pa umano siya nitong drayber. Sinubukan niyang labanan ito subalit sobrang laki ni Porferio kung ikukumpara sa patpating katawan ni Bert.

Matapos siyang bugbugin bumalik siya sa taxi at hinarurot ito. Mabilis niyang kinuha ang plate number, plakang TXY 533.   

Nagsumbong si Bert sa kanyang Manager na si “Jen”. Pinapunta sa Presinto 7 upang magpa-blotter.

Nagpa-medical examine si Bert sa East Avenue. Matapos nito pinag-report naman siya sa Traffic Sector, Camp Caringal para mag-file ng complaint.

Nagsagawa ng imbestigayon ang mga pulis. Nalaman nila mula sa rekord ng Land Transportation Office (LTO) na ang taxi ay pagmamay-ari ng isang nagngangalang Eranio Valenzuela Ingalla.

Nakipag-ugnayan ang mga pulis kay Eranio nalaman nilang isang Porferio Itol ang nagmamaneho ng taxi. Inimbitahan nila si Porferio upang paharapin sila ni Bert.

Ika-4 ng Pebrero nag-report itong si Porferio sa presinto. Tina­tanggi niyang binundol at binugbog niya si Bert. Ayon kay Porferio, kahinahinala daw ang kinikilos nitong si Bert nung oras na iyon. Naka-tsaleko raw ito at may bitbit na bag. Kaya niya ito binaba.

“Paano namang mukhang kahinahinala ako… eh naka­uniporme ako ng mga panahong iyon,” paliwanag ni Bert.

Nung Pebrero 10, nagharap sa Presinto 7 sina Bert at Porferio. Naging mainit ang kanilang palitan ng salita.

“Hindi ko binangga yan! Kung binangga ko yan hindi lang yan ang aabutin niyan. Ako nga ang sinapak niyan,” sabi umano ng drayber.

“Ano? Ang laking lalake mo! Ako mananapak sa’yo?” sagot ni Bert.

Hindi sila nagkaayos sa presinto. Mas kinagalit ni Bert ang pagtanggi nitong drayber. Gusto niyang matanggalan ng lisensya si Porferio. Naisipan niyang magsadya sa aming tanggapan upang malaman ang ligal na hakbang na maari niyang gawin.

Itinampok namin ang istoryang ito ni Bert sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon).

Bilang tulong inerefer namin siya kay Dir. Teofilo Guadiz III ng Land Transportation Office (LTO), National Capital Region (NCR).

Sinabihan rin namin siyang magsampa ng ‘Physical Injuries’ at ‘Reckless

Imprudence Resulting to Physical Injuries’ laban kay Porferio.

SA AMIN DITO CALVENTO FILES, maaring nalagay sa alanganin si Bert dahil nasa gitna na siya ng magpalit ng ilaw ang stop light. Gasino na lang ba na hayaan nitong taxi driver na makalampas itong ‘pedestrian’. Lagi naming sinasabi na ang isang pedestrian ay walang kalabanlaban kapag nakatapat ng isang ‘motor vehicle’.

Ang sinasabi naman ni Porferio na kahina-hinala itong si Bert. Naka-tsaleko at may bibit na isang bag kaya niya ito binaba… alas otso ng umaga? Isang kalakohan yan!

Kung totoo ngang six-footer ka at ang pumunta sa amin ay hindi lalampas ng 5’4 ang taas. Aba! Bakit naman siya mangangahas na makipag suntukan sa’yo.

Meron tayong ‘dictum’ na sinusunod, para ang isang testimonya ay magkaroon ng katotohanan dapat ito ay maging kapani-paniwala. Paano mo naman kami paniniwalain na sasabak ng suntukan sa ‘yo ang taong patpatin at mababa? (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Kami ay nanawagan sa taxi na sinakyan ni Col. Nelisa Ge­ronimo galing Shoe Mart papuntang Crame. Naiwanan niya ang kanyang pouch na may lamang tatlong cell phone. Gusto lang naming ipaalam sa’yo na alam niya ang plate number mo kaya huwag mo ng hintayin na isampa pa niya ang reklamo laban sa’yo. Ibalik mo na lang ang cell phone at wala ng tanungan pa.

* * *

Email address: [email protected]

BAKIT

BERT

ISANG

NIYA

PORFERIO

SIYA

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with