NAHIWALAY ang lalawigan ng Taiwan sa China matapos ang “Long March” revolution sa pangunguna ni Chairman Mao Tze Tung noong 1935. Naging komunista ang China at pinatay ang kapitalismo. Si Generalisimo Chang Kai Shek at mga kapanalig niya sa Kuomintang na ayaw sa komunismo ay naitaboy sa Taiwan na probinsya ng China. Sa rehimen ni Mao at hanggang sa ngayon, ibinawal ang pribadong pag-aari. Nagkaroon ng People’s Republic of China (PROC) sa pamumuno ni Mao at Re public of China (ROC) sa pangunguna ni Chiang.
Nagdeklara ng pagsasarili ang Taiwan. Pinatunayan nito na sa ilalim ng demokrasya at kapitalismo, mas mapapaunlad ang kabuhayan ng lalawigan. Sa matagal na panahon ay naging “sleeping giant” ang PROC habang umunlad naman ang kabuhayan ng mas maliit na lalawigang Taiwan.
Ngunit sa modernong panahon ay yumakap na ang PROC sa kapitalismo. Pinaluwag ang mga estriktong polisiya ng sosyalismo. At naging superpower ang China sa ekonomiya at aspetong militar. Kasunod nito maraming bansang nagbukas ng ugnayang diplomatiko rito. Pero bago mabuo ang ugnayan, kailangang makipagkalas sa ROC. Nagkaroon ng One China Policy.
Mayroon na tayong diplomatic ties sa PROC panahon ni Presidente Marcos. Pero hindi pa rin natin binitiwan nang tuluyan ang ugnayan sa Taiwan. Pinalalabas na ang relasyong ito ay non-official at purely economic. Imbes na embahada, nagtayo ang Pilipinas ng Manila Economic Cooperation Office (MECO) sa Taiwan at ang Taiwan ay nagkaroon ng Taiwan Economic Cooperation Office (TECO).
Pero sa mga conflict ng Pilipinas at China gayundin sa Pilipinas at Taiwan, para tayong ipit sa nag-uumpugang bato. Sabi nga ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa harap ng galit ng Taiwan sa Pilipinas dahil sa ipina-deport natin na 14 Taiwanese sa mainland China imbes na sa kanilang bansa imposi-bleng masiyahan pareho ang PROC at Taiwan.
We want to have best of both worlds. Pero hindi yata possible ang ganito. Pero ma hirap namang mamili kung alin sa dalawang “China” ang kakampihan natin lalo pa’t nangangayupapa tayo sa PROC dahil sa malaking bilang ng mga bilanggong Pilipino na nasa death row doon.